Showbiz News

Kris Bernal, nagtago kay Aljur Abrenica

Bagong endorsement, a well-received show, and a movie that will soon come out—it seems that Kris Bernal is living the life. So bakit niya pinagtataguan ang love team partner niyang si Aljur Abrenica? Text and Photos by Jason John S. Lim; with Interviews by Erick P. Mataverde. Nang makausap namin si Kris Bernal sa set ng All My Life, fresh na fresh ang itsura ng young actress—kahit na she had just returned from a whirlwind shoot for her launching movie, and has been taping for All My Life non-stop! Kahit na busy, Kris is perfectly content and happy with what's going on. "Before kami lumipad papuntang Bohol, sobrang pagod kami," kuwento sa amin ni Kris. "Sobrang naging hectic 'yung schedule namin dahil sunud-sunod 'yung taping namin!" That's because nagbangko sila ng ilang episodes ng All My Life in preparation for the days na mawawala siya at ang love team partner niyang si Aljur Abrenica to shoot their launching movie. She continues, "Pero pagdating sa Bohol, nakapag-relax kami, nakapamasyal kami—may tulog naman kami, kumbaga." Araw-araw din ang shoot nila for I'll Be Waiting For You, ang launching movie nila ni Aljur under Regal Films. Kris shares, "Every day ang shoot namin, pero may mga time talaga na nasa—nagpapahinga kami, naglilibot-libot kami o kaya naliligo kami sa beach. "Masaya 'yung Bohol experience namin. Parang nakapag-pahinga talaga kami." Walang masabi si Kris tungkol sa Bohol kundi mga papuri. "Sobrang ganda ng Bohol," she gushes. "Ako kasi, hindi ako mahilig mag-travel out of town. Pero nung nandoon ako sa Bohol—ang ganda! I mean, ang sarap pala libutin ng [Bohol]." And bilang first-timer sa province, tuwang-tuwa si Kris na nalibot niya ang mga tourist destinations doon! "Ang dami naming pinuntahan," she tells us. "Kumbaga, parang tinodo na rin namin 'yung mga tourist spots doon. Talagang shinoot na namin 'yung mga magagandang puwedeng puntahan. Ayun, nag-enjoy talaga kami." Kung enjoy siya sa taping na kasama si Aljur—bakit niya nasabing pinagtataguan niya ito? "Kasi inaasar niya ako! Ang hilig mang-asar nun, 'di ba?" Kris shares na for the movie daw kasi, she had to wear two-piece bathing suits. "Conscious na conscious talaga ako noon," sinabi niya sa amin. "Wala akong shorts, wala akong [pamatong]—eh first time kong gawin 'yun. Conscious na conscious talaga ako!" Kuwento sa amin ni Kris, nagtatago raw siya sa likod ni Aljur kadalasan; at kapag hindi pa daw take, she would hide under a sarong or a towel! "Nahihiya talaga ako kasi hindi ako sanay, eh. Ang dami pang nanonood! Ang daming tao!" Nakuhanan pa rin naman daw nila nang tama ang mga eksena. 'Yun nga lang, Kris is still conscious about the fact na hindi siya prepared sa pagsuot ng two-piece: "Nung nalaman kong magtu-two-piece ako, iniwasan ko 'yung kanin talaga." Overall, okay din naman daw in the end ang kanyang two-piece debut. "Naging mahiyan lang talaga ako—at saka, nagtatago ako kay Aljur," dagdag pa niya. But now that she's back in Manila, hindi na kailangan magtago ulit ni Kris. Pero patago naman ang drama ng relasyo nila ni Aljur ngayon—on-screen. Kris explains to us na "ginagawa na namin ngayon lahat ng drama sa buhay ni Romina (Kris's character)." "Siyempre, conflict ng family ni Jules (Aljur's character) at ng family ko, so pinaghihiwalay kaming dalawa ni Jules," kuwento niya, kaya kailangan nang patago ang kanilang relationship sa show. "Kasi 'yung pagmamahalan namin ni Jules, talagang hahamakin namin ang lahat. Ako, nagiging pasaway ako sa parents ko, tumatakas kami, tapos talagang sinasagot-sagot ko 'yung parents ko, para makipagkita lang kay Jules. Parang mas malakas 'yung feeling ng love kay Jules kesa sa feeling ko sa family ko." Siyempre ba naman, Romina did just find out na ampon lang pala siya nina Romano (Zoren Legaspi) at Amelia (Gelli de Belen). Now, Kris reveals to us, may bagong gustong gawin si Romina: "Hinahanap niya rin, since ampon siya, hinahanap niya 'yung totoong tatay niya." In real life, though, wala nang hahanapin pa si Kris! Dahil bukod sa All My Life at sa kanyang launching movie, she also has a new endorsement coming out soon! Kaya naman ngayon, todo prepare si Kris—by going to the gym! "Bilang pinagswi-swimsuit na ako, kina-career ko na ang mag-gym," Kris shares. Dagdag pa niya, nagda-diet na rin daw siya ngayon, dahil "gusto ko lang maging firm 'yung katawan ko." Siyempre, lahat pa rin ito ginagawa ni Kris, first and foremost, para sa mga supporters niya at ni Aljur: "Sa lahat ng Krispers, AlKrisians, sa lahat ng Aljurians, maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay niyo sa All My Life. Simula pa lang, nung StarStruck pa lang, hanggang sa magbida kami sa Dapat Ka Bang Mahalin, at ngayon sa All My Life, maraming salamat dahil patuloy niyo kaming sinusuportahan. At sana hindi kayo magsawa."
Kaya don't fail to catch All My Life sa pinaagang GMA Telebabad! Catch the show weekday afternoons pagkatapos ng Hole in the Wall! And don't forget rin na you can be connected to Kris 24/7—siyempre through Fanatxt! Just text KRISB to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)