Showbiz News

Alfred Vargas, malaki ang pasasalamat sa showbiz

By Gabby Reyes Libarios

"I would never be where I am today kung hindi dahil sa showbiz."

'Yan ang pahayag ni Alfred Vargas, aktor at congressman ng 5th district ng Quezon City, nang matanong siya ng press kamakailan kung ano ang naging role ng showbiz sa buhay niya.

"Ang una kong naging trabaho in my whole life, professionally ha pagka-graduate ko ay pag-aartista," dagdag ni Alfred, na nakapagtapos ng A.B. Management Economics mula sa Ateneo De Manila University.

"Itong ang first love ko and this is my passion. Hindi mo maalis sa akin 'yung acting, 'yung pagmamahal ko sa industriyang ito.

"Malaki ang utang na loob ko sa industriyang ito. Kaya sana dumating 'yung panahon na mas malaki 'yung maibabalik ko."

Nagsimula si Alfred sa showbiz noong siya ay 22 years old. Ngayong 40 na siya at may tatlo nang anak, aminado siya na maraming blessings ang naihatid ng showbiz sa kanya at kanyang pamilya.

"I started when I was just 22 years old, 40 years old na ako ngayon.

"Napakain ko ang pamilya ko, nakapagpatayo ako ng bahay para sa pamilya ko, napapag-aral ko ang mga anak ko, naging elected public servant ako dahil sa showbiz, I think I'm very, very lucky, napaka-suwerte ko dahil nabigyan ako ng chance na ganito.

"I'm happy dahil nabigyan ako ng chance to be part of this industry."

Bago naging public official si Alfred, maram-rami rin ang kanyang ginawang projects sa TV. Ilan dito ay Encantadia (2005), Etheria (2006), Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas (2006), Impostora (2007), at ang hit na Kambal, Karibal (2017-2018). Nagkaroon din siya ng guest role sa Magkaagaw (2019), ang sikat na afternoon primetime series ng GMA.

Sa larangan naman ng pelikula, bumida siya sa Liberated (2003), Bridal Shower (2004), Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh (2006), Banal (2007), at iba pa.

'Creative Thirst'

Bagamat ang prioridad niya ngayon ay ang kanyang tungkulin bilang mambabatas, hindi niya maitatanggi na hinahanap-hanap pa rin niya ang acting.

"Rule ko 'yan sa sarili ko na hindi ko 'yan mabibitawan kasi hindi ko rin kaya. May creative thirst e, kailangan ko ito bilang tao.

"Plus, aaminin ko sa inyo, kailangan ko rin ng sweldo. Kailangan din natin 'yung compensation kasi tatlo na yung anak ko, and honestly, 'yung kinikita natin dito, walang-wala sa mga artista na may regular show, may endorsements, tapos ngayon, may social media."

Agad na nilinaw ni Alfred na nakakagawa lang siya ng shows at movies tuwing "recess" o break ng konggreso.

"Do'n lang ako tumatanggap. Meron kasi tumatagal ng one month.

"'Tsaka nagpapaalam din ako sa mga constituents ko. Nagpapaalam ako sa kanila kung okey lang ba at silang lahat pinapayagan naman tayo.

"And for some reason, gusto rin nila 'yan kapag nakikita ka nila sa TV. Siguro nakakatulong na rin in some way.

"Honestly, talagang nagpaalam naman ako, and I make sure na hindi ako uma-absent sa mga session."

'Tagpuan'

Naging konti man ang kanyang mga proyekto sa showbiz, proud naman si Alfred sa mga proyektong tinatanggap niya sa ngayon.

Isa dito ay ang Tagpuan, isang love story na mula sa panulat ni Ricky Lee at direksyon ni Mac Alejandre, ang direktor ng Just One Summer (2012), In Your Eyes (2010) at I Will Always Love You (2006), na iprinodyus ng GMA Films.

"We almost made it to the Metro Manila Film Fest nung December. Konting-konti na lang. Pero 'di tayo nakapasok, so siguro, by ngayon, out of merit, we have a very good film with Iza Calzado and Shaina Magdayao and yours truly.

"We shot in Binondo, Hong Kong, and New York. Love story siya. I'm very very proud of this project. Hopefully makapasok kami [sa Metro Manila Film Summer Festival]. At sana marami makapanood."

Bakit 'Tagpuan' ang naging pamagat nito?

"'Yun 'yung title e, Tagpuan, kung paano 'yung destiny, fate. It's about love and loss, at the same time, kung paano mo tatanggapin 'yung realities."

Bagamat love story ang 'Tagpuan,' nilinaw ni Alfred na hindi ito kahanay ng teeny-bopper movies, at may mas malalim itong mensahe na dala.

"Ano na ito, adult kind of love story, na mature.

"The people you are with can define the meaning of home. 'Yung home kasi akala natin, it's always a place.

"Pero minsan kasi puwede nating masabi na kung sino 'yung kasama mo, kung sino 'yung mahal mo, kung sino 'yung nagmamahal sa 'yo, kung ano 'yung relationships mo, that is your home.

"Sometimes, there's not always happiness, laughter in homes. There are trials, tribulations, challenges, and character tests, forgiveness, pero mangingibabaw pa rin 'yung love."

Dagdag ni Alfred, may rason kung bakit importante ang Hong Kong at New York sa istorya.

"'Yung character ko kasi ay may pagkakamali, meron siyang mga pinagsisihan sa buhay and at the same time meron din siyang gustong marating.

"Sa kuwento, ex-wife ko dito si Iza Calzado. E merong nangyari sa past namin na hindi naman nalampasan na nakaapekto sa parehong buhay namin.

"And then here comes Shaina sa Hong Kong. E si Shaina is a whole new different life for me. Tapos mamaya, for some reason na hindi ko puwedeng ikuwento, mapupunta lahat kami sa New York, do'n kami lahat magtatagpuan. Magiging tagpuan ang Hong Kong at New York."

Naging maganda naman ang experience ni Alfred sa shooting.

"Maganda naman ang experience namin sa New York at Hong Kong. Although sa Hong Kong, andon na 'yung mga rallies, kahit papaano, nagawan naman namin ng paraan. We were able to shoot do'n sa mga gusto namin mapag-shootan.

"Sa New York naman, ang sarap mag-shoot. Kasi 'yung mga tao do'n sanay nang merong camera, may ilaw, may nag-a-acting diyan. Actually we were able to shoot peacefully there without hassle at nakasama rin namin 'yung American production na magagaling din. I'm very happy."

Respeto at paghanga

Malaki rin ang respeto at paghanga ni Alfred kina Ricky Lee at Mac Alejandre, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na gawin ang proyektong 'Tagpuan.'

"Magaling sila. We are not only colleagues, we're also friends.

"Ako I have so much respect for both. Si Ricky Lee, I'm happy to do his material, na nagagawa ko ngayon. Kasi ako naman di naman ako full-time actor and nagkaka-project lang ako once a year.

"So sabi ko, kung magpa-project ako once a year, I might as well do roles that I really like and the scripts that I really love."

Kaya naman ang pinaka-importanteng payo na maibibigay ni Alfred sa kapwa artista ay "Never take our profession for granted, kasi isang napakalaking privilege e, napakasuwerte natin dahil tayo'y nabigyan ng chance na maging celebrities, maging actors, na magawa kung ano 'yung nasa puso natin, kasi not all people are given the chance to do their passion for a living."