Showbiz News

Jay Manalo, isang dakilang ama

May isang ama na noong umpisa ay aakalain mong isang tamad at lulong sa bisyo lamang. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nagkaganito? Ano nga ba ang mga pangyayari sa buhay ng character ni Jay Manalo sa ‘All My Life’ that changed him? Text by Erick Mataverde. Photo courtesy of GMA Network. "My role is of the father of Jules, played by Aljur Abrenica, father na naman (laughs). Actually last project ko dito sa GMA father din nung ating nawalang kaibigan na si Marky (Cielo) dun sa Zaido, ang kwento ni Jay Manalo sa iGMA.tv tungkol sa role niya bilang si Gary Romuladez sa All My Life." I'm happy na ako ang napili nila ulit dito sa project na ito." In addition to this, All My Life is not Jay’s first time to work with Kris Kris (Bernal) at Aljur, nakasama din niya ang mga ito sa parehong proyekto nila ni Marky: "Nakatrabaho ko na din naman sila Kris at Aljur sa Zaido, so hindi na bago para makasama ko sila, pero 'yung iba dito siyempre mga bago kong nakasama. So ayun adjustment din ng work ethics.” "Its time for them to step up, and its not a wrong decision to put the two of them in their own show sa prime time slot." At bilang ama ni Jules sa show, pakiramdam din naman niya na may responsibilidad din siya sa pag-improve ng craft ni Aljur. "Kung ano ang nabibigay sa akin ng mga tao na nagaadvise sa akin noong bago ako, ay ibibigay ko din naman kay Aljur, [sasabihin ko], 'O teka muna Aljur, hindi ka muna si Aljur at hindi ako si Jay, eto tayo, bilang mag-ama na Gary at Jules.' Ganun," paliwanag ni Jay. Alam din natin lahat na ang character ni Gary sa All My Life ay sa umpisa ay kakainisan mo lamang dahil sa kanyang paglalasing at pang-aabuso sa pamilya. Pero makikita natin sa mga huling episode na may malalim na rason sa kanyang pagdaramdam. At dahil dito tinanong din namin si Jay kung may kaunting parallelism ba si Gary sa kanyang pagkatao in real life, dahil sa effective niyang portrayal sa show. "Ako kasi, ano naman ako when it comes to work pag nasa harap na ng camera and then nagro-roll na [ang cameras], I'm not Jay Manalo anymore. I'm the character. Sa akin naman, lahat ng work ko pinagbubuti ko naman, lahat ng ginagampanan kong role [ay] ginagawa ko naman," ang sagot niya. Dagdag pa ni Jay na siya din naman ay may sariling approach sa lahat ng roles niya even if mahanay siya sa mga batikang mga artista: "Meron naman akong, kahit papaano, hindi natin masasabing perfect [na methods], may mga flaws din tayo. [At] hindi [ko] naman sinasabi kasi may katapusan ang pagaaral ng pag-akting. Walang katapusan po ‘yan at may kanya-kanyang method at may kanya-kanyang approach kung papaano gawin ang isang role at character, at kung ano ang maitutulong sa istorya." Bilang pagtatapos, ay ibinanggit na din ni Jay na aside from acting, busy din siya sa pagiging isang ama in real life: "Sa role ko bilang ama eh 'yan ang aking pinagkakaabalahan ngayon, sa role ko bilang ama [sa totoong buhay], 'yan ang pinagkakaabalahan ko rin." Pagusapan ang sikretong isinawalat ni Jay sa All My Life. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!