Showbiz News

Ex Battalion member King Badger at Jelai Andres, balik-tambalan para sa 'Owe My Love'

By Cherry Sun

Muling magsasama si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang King Badger ng hip-hop group na Ex Battalion at kanyang asawang si Jelai Andres para sa upcoming Kapuso rom-com series na Owe My Love. Magkabalikan na rin kaya sila sa totoong buhay?

Sikat ang kanilang tambalang #JoLai ngunit mas naging maugong ang kanilang pangalan matapos magkalamat ang kanilang buhay-mag-asawa.

Halos isang taon ding hindi nagkasama at nagkatrabaho sina Jon at Jelai, at ang guesting ng Ex Battalion member sa One of The Baes ang isa sa naging paraan upang panandalian silang magsama ulit.

Ngayong taon, muli nilang makakatrabaho ang isa't isa sa Owe My Love kung saan sila ay muling magtatambal on screen.

Sa exclusive interview ni Jon sa GMANetwork.com, inamin niyang inaayos nila ngayon ang kanilang relasyon.

Aniya, “We're okay. We're talking. We're still working towards sorting our marriage. So ayun. Sa ngayon maayos kami, nag-uusap kami. Nakakasama ko na siya, nakakapag-vlog na kami… Nandun pa rin ako sa stage na inaayos ko pa rin 'yung marriage namin.”

Hopeful si Jon na maging tulay ang Kapuso rom-com series para tuluyan silang magkaayos.

Patuloy niya, “Kung may taping lagi kaming magkakasama. 'Yung role namin halos pareho sa real life eh, na parang manliligaw ako, hinahabol ko siya. 'Yung parang ganun 'yung dating. Abangan n'yo na lang sa Owe My Love.”

Samantala, sa hiwalay na exclusive interview ni Jelai sa GMANetwork.com, naglabas din siya ng saloobin tungkol sa reunion project nila ng kanyang mister.

Pauna niyang biro, “Kinakabahan ako, baka mauto ako ulit.”

“Masaya po ako na kasama siya. At least makakatrabaho kami ulit kasi halos isang taon kaming hindi nagkasama… Nag-guest lang siya sa One of the Baes noon eh pero ngayon makakasama ko siya lagi. Hindi ko po alam kung maiinis ako or matutuwa kapag kasama ko na siya araw-araw 'pag nagte-taping na. Okay na, masaya naman po ako kasi magkasama kami ulit,” dugtong din niya.

Panoorin:

WATCH: Jelai Andres reacts to King Badger's vlog

WATCH: Ex Battalion's King Badger pleads for second chance in "Walang Gana"

WATCH: Jelai Andres and Jon Gutierrez's sweet reunion