
Pinamagatang "Parang Kailan Lang" ang first single ni Eat Bulaga host Maine Mendoza na nakatakdang lumabas ngayong March 20.
Naka-collaborate niya dito ang Gracenote, isang electro-pop rock band.
"Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga fans. Siyempre 'yun naman 'yung gusto kong mangyari 'di ba? Sana po magustuhan nila. 'Yun lang 'yung hinihiling ko," pahayag ni Maine.
Hindi daw talaga niya inasahan na maging isang recording artist.
"Nagre-record kasi ako sa isang app noong wala pa 'ko dito sa showbiz. So mayrooon silang idea na akala nila gusto ko talagang mag-singer.
"Pero ginagawa ko lang naman 'yun out of boredom and curiosity na din. Sino bang mag-aakala magkakatototoo talaga?" aniya.
Minsan nang mag-record si Maine ng awit kasama si Alden Richards para sa pelikula nilang Imagine You & Me.
Pumirma si Maine ng recording contract sa Universal Records noong 2018.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.