Showbiz News

Bianca Umali receives sweet birthday greetings from Ruru Madrid and fellow celebs

By Aedrianne Acar

Ilan sa pinakamalalapit na tao kay Bianca Umali ang agad na nagpaabot ng pagbati sa kanya ngayong Lunes, March 2, kung kailan ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-20 na kaarawan.

Bianca Umali

Una sa mga ito ang Kapuso hottie na si Ruru Madrid na tinawag pa si Bianca na “moonlight.”

Samantala, hindi din nagpahuli ang mga dating co-stars ni Bianca sa Sunday PinaSaya na sina Gladys Guevarra at Joey Paras.

Birthday greeting ng celebrities kay Bianca Umali

Busy ngayon si Bianca sa mga kabi-kabila niyang projects tulad na lang ng shooting niya sa HBO Asia Originals na Halfworlds.

Tutukan din ng morena beauty ang promotion ng kanyang debut single under GMA Music na "Kahit Kailan."

Nakatakda din makasama ni Bianca sa soap na Legal Wives sina Dennis Trillo, Cherie Gil, Alice Dixson, at Megan Young.

Maligayang Kaarawan, Kapuso!

Bianca Umali, Kyline Alcantara spotted together at 'Sunday PinaSaya' mini reunion