Showbiz News

Jolina at Jennica, adik sa pag-ibig

This August 20, magugulo ang world-wide web sa pag-log on nina Jolina Magdangal and Jennica Garcia sa iGMA Live Chat. Anong similarity nga ba ang mayroon sa dalawa bukod sa pagganap bilang on-screen sisters? Alamin sa live chat na ito! Text by Jason John S. Lim with Interviews by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa Adik sa 'Yo, Jolina Magdangal at Jennica Garcia portray the two sisters na sina Joanna at Karen, respectively. Dalawang magkapatid na gagawin ang lahat para sa pag-ibig! Do the stars who portray them share the sentiments of their characters? Jolina confessed before na mayroon nang nagpapasaya sa buhay niya—bukod sa kanyang family, of course. Pero, she admits na kinikilig pa rin siya sa on-screen love team niya na si Marvin Agustin! "Honest naman ako, di ba?" Jolina says na although walang possibility na maging sila ni Marvin ngayon, hindi pa rin niya maikaiila na pinapatulan niya rin ang mga bola nito. "Pero natatawa lang ako sa kanya pag hinihiritan niya ako on air." She admits, "in fairness, kinikilig pa rin ako sa mga patol niya—dahil ang galling niya talaga! Aminin mo, kinikilig ka [rin]!" "Sa ganoong part, nasisiyahan kaming dalawa na nakakapagpasaya pa kami ng tao—na hindi kailangang pinipilit namin 'yung sarili namin na gawin 'yun." She adds, as a tease, "natural na lang na lumalabas sa amin." Sinong fan ba naman ang hindi kikiligin diyan, di ba? Pero kung ang Marvin-Jolina ay tried and tested na, nasa testing stage pa lang ang kina Jennica at Dennis Trillo. Jennica admitted before na si Dennis ang isa sa mga bisyo niya—pero hanggang bisyo lang muna 'yan. For now, focus si Jennica sa trabaho niya—kaya naman kinuwentuhan na lang niya kami ng susunod na mangyayari sa character niya! "Kung inaakala na nila na lahat nung kagagahan na ginawa ko, 'yun na 'yung todo 'nun—hindi pa pala 'yun 'yung todo 'nun!" Jennica tells us during our recent trip sa set ng Adik sa 'Yo! Kuwento niya sa amin, kahit man daw siya ay nagulat sa susunod na gagawin ng character niya! Pero she also warns that Karen will not be chasing after Ruben (Dennis's character) for long. Explain niya sa amin, "ang babae talaga, kahit gaano 'yan ka-in love, dumadating sa point na napapagod 'yan sa isang relasyon. Sumusuko 'yan. So ngayon, Ruben, it's your turn. Haba-habaan muna ako ng hair!" Ano kaya ang nangyari between the two para magkaroon na naman ng role reversal? Jennica won't tell us—pero baka sabihin niya sa inyo kung kulitin niyo siya during her live chat! "May live chat ako ulit? Gusto ko 'yan!" Jennica gushes when we told her na may schedule na siya ulit sa iGMA Live Chat. "Ang tagal-tagal na! Excited na ako maka-chat ulit [ang fans ko]! Sobrang tagal na!" Naku, lagot! Ready na ba kayong mga fans niya na makipagkulitan kay Jennica online? Dahil marami raw siyang ikukuwento sa inyo! Pati na rin ang kanyang on-screen sister na si Jolina! So on August 20, be sure to log on sa iGMA Live Chat para maka-chat ang dalawa sa mga nagpapa-adik sa atin gabi-gabi! 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine Time) sila, ha! Don't forget!
At 'wag niyo ring kalimutan that Adik sa 'Yo airs every weeknight sa GMA Telebabad. Want to always be updated with what's going on with Jolina and Jennica? Puwedeng-puwede yan through Fanatxt! All you have to do is text JOLINA(space)ON or JENNICA(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)