Showbiz News

Carla and Geoff, nagkakaibigan na?

Ang istorya ng ating Pinay Rosalinda ay dahan-dahan nang tumatatak sa puso ng bawat manonood nito. At sa mga darating pang mga tagpo, makikita na natin ang pinakaaabangan na transformation ni Carla Abellana. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. Sa mga masugid na sumusubaybay ng istorya ni Rosalinda, alam naman natin ang eventual transformation niya from the compliant Rosalinda to Paloma, ang assertive at palaban na alter-ego niya. And iGMA.tv was lucky enough to talk to Carla Abellana during her trial photo shoot for her Paloma character. "Okey naman, pahirap siya ng pahirap, kasi the story is becoming more intense and complicated. Marami na ‘yung nagte-test kay Rosalinda. Marami nang challenges," kuwento sa amin ni Carla. "In terms of the story ang dami nang nare-reveal about every character, ang daming revelations na you wouldn't think na ganun sila, pero kaya pala nila. And mas nagiging close kami sa isa't-isa." Of course, kinamusta din namin ang kanilang bonding ng kanyang leading man na si Geoff Eigenmann. "We're doing okay. Better, I think, and I know magi-improve pa. We're closer now, than ever before. And, I think, among the whole cast, kami, siyempre, [ang] closest to each other," tugon ni Carla. And as proof ng kanilang closeness, aming inalam kung anong side ni Geoff ang nakita ng dalaga that really endears her to him. "He's sensitive. He understands…parang mabilis siya maka pick-up. You wouldn't think a guy would understand certain things, but he does," pahayag ni Carla. "Magaling siya maka-sense ng ibang bagay na kahit hindi ko sabihin sa kanya, nahuhulaan niya. He's a sensitive guy who understands my problems and my needs. Nakakagulat, you wouldn't think [na ganun siya]." Medyo misteryoso ba ang sagot sa amin ni Carla? Well, ngayon may pagkakataon na tayong alamin pa ang saloobin ng ating paboritong love team ng prime time! On August 27, 2009 from 2:00pm to 4:00pm (Philippine Time), Carla and Geoff will appear together sa pinakaa-abangan nating Live Chat! Kaya mark your calendars at maging updated sa kina-kikiligan na mga tagpo sa Rosalinda at siyempre, kayo ang unang makakaalam sa mga saloobin ni Rosalinda at Fernando Jose, on and off cam. Just keep yourselves logged on and visit the Live Chat page at: http://www.igma.tv/livechat/join.
Pagusapan si Carla sa pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Carla via Fanatxt! Text CARLA [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS CARLA and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.