Showbiz News

Ang lihim ni Chynna

If you think kontrabida na naman ang papel ni Chynna Ortaleza sa 'Adik sa 'Yo,' you better think again. May levels ang character ni Chynna sa show—and it's something you just have to see to believe. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. When you see Chynna Ortaleza sa set ng Adik sa 'Yo, aakalain mong from the start ay part na ng show ang young actress. Dahil hindi lang close si Chynna sa kanyang co-actors, kundi close na close! Yes, kahit kay Chariz Solomon who plays Emilene! "Si Emilene talaga, from the start, ayaw na niya ako," kuwento ni Chynna. "As in hindi na nag-change! Kasi parang may feelings siya sa akin na hindi maganda." Pero tama nga ba naman si Emilene? Chynna gives us a backgrounder tungkol sa character niyang si Lisa. "Nakuha na niya yung trust ni Karen (Jennica Garcia) at saka ni Joanna (Jolina Magdangal), pero makikita na nila yung inconsistencies ng pagkatao niya," she begins, recounting kung ano ang nangyayari so far sa kuwento. "Kahit saan, sumusulpot ako. Tapos, talagang feeling ko, close na close na ako sa kanila—kahit hindi pa man." Chynna knows na viewers might be weirded out sa pagpasok ng character niya. She says, "kasi parang napaka-epal niya talaga na character. 'Yun 'yung mapapansin ng viewers ng Adik sa 'Yo." And, she tells us, it's only bound to get weirder pa daw! "May identity crisis siya!" Kuwento sa amin ni Chynna. "Lahat ng itsura nila, ginagaya niya—parang gusto niya talagang ma-impress si Joanna at saka si Karen sa kanya." But it's not only Joanna and Karen who she sets out to copy—pero as for who the next one will be, kailangan niyo na lang panoorin ang show to find out. The young actress does tell us though kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. "Actually, kaya ganoon 'yung character ko, kasi gusto niya talaga na malapit sa family niya, maging buo 'yung family niya, [at] ma-recognize siya ni Popsie (Joey Marquez) na anak [rin] siya." Sa kuwento ni Chynna, malaki raw ang tampo ni Lisa dahil hindi siya nabigyan ng attention ng kanyang ama. "Whereas, hindi talaga alam ng both families na may existing pa pala na isang sister." With one more sister, does that mean na may iba pang babae si Popsie Luigi? Chynna affirms this, pero surprise na lang sa viewers kung sino ang nanay ni Chynna—at kung bakit hindi pa rin ito ipinakikilala hanggang ngayon. Ngayon na out na kung sino talaga si Lisa sa buhay nina Joanna at Karen, Chynna is happy to announce na hindi talaga kontrabida ang role niya sa Adik sa 'Yo. "Mayroon lang siyang gustong ma-achieve," Chynna defends. "Siguro, dahil sa mga pinagdaananan niya, nagfi-flip out siya." Dagdag pa niya that Lisa means well, "iba lang yung way of pagpapakita niya." Medyo out-of-this-world nga ang mga pamamaraan ni Lisa. Dahil kung sa tingin niyo weird na siya ngayon, abangan niyo lang ang next na mga gagawin niya. "Mayroon akong mga lines na sobrang natatakot din si Jennica minsan," Chynna teases. Kuwento niya, sinasabihan na raw siya ng co-star niya na kung totoong tao si Lisa, ang labo raw nito. Chynna replies, "'yun nga 'yun. 'Yun 'yung character—weird talaga siya." Although mukhang alam na alam na ni Chynna ang lahat ng dapat malaman tungkol kay Lisa, the actress confesses that she doesn't know what happens next. But she does have one wish, " sana maging buo yung family nila, di ba?" Sa pagtatapos ng Adik sa 'Yo, we ask Chynna kung mayroon na bang nakapila na bagong show for her. She admits na wala pa raw siyang nababalitaan, "pero ano din—thankful din kasi ako na ang daming sunud-sunod." Of course, she tells us that she'll be more thankful kung may bagong project agad na ibibigay sa kaniya—pero kung wala, she has plans of taking up classes on styling and make-up to pass the time. " Para lang ano," she explains, "you're still improving yourself while you're waiting for your next project." Pero, Chynna's fans shouldn't fret. "Yung SOP hindi nawawala 'yun. 'Yung mga supporters ko, makikita nila ako doon every Sunday, at saka guestings lagi namang meron."
Adik sa 'Yo airs every weeknight, sa GMA Telebabad. Alamin ang latest from Chynna via Fanatxt! Text CHYNNA(space)ON and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS(space)CHYNNA(space)ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines .