Showbiz News

A big thank you from Jolina and Jennica

After over a year, nagbalik na sa wakas sina Jolina Magdangal at Jennica Garcia sa iGMA Live Chat. At parang isang bonggang fiesta ang nangyari during the chat proper, with food, production numbers and even a surprise guest! Text by Jason John S. Lim; with Interviews by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Hindi man nakapagsimula on time, hindi ito naging hadlang para maging masaya ang hapon ng mga Kapuso chatters with Jolina Magdangal and Jennica Garcia! "Siyempre masaya na naman ulit," three-time chatter Jennica tells us after matapos ang chat—after the fifteen minute overtime to account for the late start. Biro niya sa amin, "matagal na naman 'yung intayin ko bago makapagchat ulit—pero excited ulit akong maka-chat na naman sila." From questions about the show to questions about their love life—walang hindi pinalampas ang fans ng dalawa! Ultimo ang recently-departed na si Cosmo, naitanong kay Jolina! "Sa totoo lang, ayaw ko na sana din sagutin," Jolina admits to us, referring to questions about Cosmo. "Pero siguro, dahil kailangan kong tanggapin talaga na may mga pets tayo na nawawala, kailangan kong sagutin 'yun." Besides, Jolina says, "shinare ko si Cosmo mula nung start pa e. Wala pa ako sa GMA, shinare ko na si Cosmo. Kaya siguro naapektuhan na rin sila kung namatay si Cosmo. So nakakamiss talaga siya. Kasi, 'yun na nga, ang mas mahirap pa para sa akin, since kilala siya ng lahat, tinatanong. Hinahanap siya. Lalo ko tuloy na—" Cutting herself off, Jolina finishes, "hindi ko naman puwedeng hindi sabihin. Dahil baka mamaya pag ininvite, bigla kong sabihin 'Ay namatay na, matagal na.'" And seeing as she shared Cosmo in life, alangan naman daw hindi niya i-share sa mga taong concerned kung ano talaga ang nangyari. For those keeping count, Cosmo was 8 years old nang siya ay namayapa. Going back to happy thoughts, like enjoying the chat, the two were surprised nang makatanggap sila ng surprise caller from a fan—who turned out to be Dennis Trillo! Pero siyempre, hindi maiiwasang matapos rin ang hapong kasama natin silang dalawa. Kaya naman nag-iwan na lang sina Jolina at Jennica ng mensahe para sa mga fans nila, at sa mga Kapuso na sumali sa chat nila. Jolina says, "sa lahat ng mga fans na nag-online ngayon, 'yung iba diyan kilala ko e. Siyempre. So gusto kong mag-thank you sa kanila, dahil talagang nakasubaybay talaga sila kahit saan, kahit ano— "Natutuwa ako sa kanila na hindi sila nawawala." Jolina adds that she's also really happy to meet her new fans, "'yung mga bago ko lang nakikilala sa iba-ibang bansa—masaya ako. Iba yung feeling. Lalo na kung halimbawa matagal ka na sa showbiz, tapos mayroon ka makikilalang mga bago pang sumusuporta sa 'yo, na hindi naman nila napanood 'yung mga Ang TV days pa. Nakakatuwa. Ibang feeling ang paligayahin [sila]." Si Jennica naman, apologetic sa mga nakipag-chat sa kaniya: "As much as possible, I try my best na reply-an yung iba-ibang username, para hindi masayang 'yung pagchat nila, 'yung pagonline nila. Kasi ayaw ko rin 'yung, for example ako din, bilang isang fan, pag nagonline ako, gusto ko kahit isang reply mayroon akong makukuha mula sa artista na 'yun. So ako, pinipilit ko na mareply-an silang lahat." Kaya naman, she ends with a promise, "kung hindi ko man na-reply-an yung iba, there's always a next time." Parang pine-pressure kami ni Jennica na ibalik siya agad sa live chat 'no? In the meantime naman, you can keep up with both Jolina and Jennica through Fanatxt. Just text JOLINA(space)ON or JENNICA(space)ON and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines . Or follow Jennica on Plurk. Tuloy-tuloy lang ang kasiyahang hatid ng Adik sa 'Yo every weeknight sa GMA Telebabad. At tuloy-tuloy rin ang kasiyahan ng live chat. This Thursday, August 27, magbabalik sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa iGMA Live Chat—together!