Showbiz News

Aljur dinala na sa simbahan si Kris

Ibang klase ang closeness ng 'StarStruck' 4 winners na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Pero totoo nga ba ang balita na dinala na ni Aljur sa simbahan si Kris? Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Mitch S. Mauricio Dahil sa sunud-sunod ng mga proyekto sa TV at may pelikula pang ginagawa sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, hindi mapigilan na lumalim ang tinginan ng dalawa. Pero masasabi na dahil sa kanilang mga naging roles sa Dapat Ka Bang Mahalin? mas naging seryoso din sila sa isa’t isa. In fact noong nasa Bohol si Aljur at Kris para i-shoot ang kanilang launching movie, ang I’ll Be Waiting For You, napabalitang nagkaroon sila ng selosan. "Siyempre, nagseselos ako," ang sagot ni Aljur noong tinanong siya kung affected ba siya sa tuwing may napapabalitang may ibang lalaki na umaaligid kay Kris. "Tinatanong ko siya kung totoo. Feeling ko naman, nagsabi siya ng totoo nang sabihin niyang friend lang niya si Aldred dahil wala siyang inililihim sa akin." Kaya ba dinala na ni Aljur sa simbahan si Kris noong nasa Bohol sila? Ayon sa mga balita, dinala daw ng binata si Kris sa Baclayon Church. Ano nga ba ang ginawa nila doon? “Sabay kaming nag-pray kasi sabi nila kapag first time mo raw sa isang church doon magwish ka lang three wishes magkakatotoo, sabay kami...sana magkatotoo," ayon sa binata. Pero nilinaw naman ni Aljur na kahit nagiging malalim na ang samahan nila ni Kris, ang priority pa rin nilang dalawa ay ang kanilang trabaho. Kaya naman tuwang tuwa si Aljur nang maging successful ang Dapat Ka Bang Mahalin at All My Life na kasalukuyan pa ring mapapanood sa GMA Telebabad. "Gagawin ko ang lahat para ipakita sa kanila na kung ano kami ngayon ni Kris, siguro panahon na para ipakita namin lahat ng talento namin," ang pahayag ng binata na halatang masayang masaya sa mga nangyayari sa kanyang career. At isa na dito ang upcoming movie nila sa Regal, ang I’ll Be Waiting For You. "Sobrang thankful ako kay Lord, kay Mother Lily sa tiwala at pagbibigay sa amin ng launching movie na kami ni Kris ang talagang bida. Salamat din sa fans sa suporta nila sa amin at sa GMA-7, dahil sa tiwala ring bigyan kami ng sariling soap." Pag-usapan ang tambalan Aljur at Kris sa mas pinagandang iGMA forum! And don't forget rin na you can be connected kay Aljur at Kris 24/7—siyempre through Fanatxt! Just text ALJUR or KRISB to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)