Showbiz News

Barbie Forteza, nagtaray sa set?

By Dianara Alegre

Tinarayan umano ni Barbie Forteza ang staff at ilang co-stars sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday star habang nasa set nitong Miyerkules, March 4.

Pero chill dahil sa TikTok lang naman pala nagtaray si Barbie.

Game na game rin naman siyang sinakyan ng staff ng serye at naging pastime pa nga nila ito.

Ayon kay Barbie, naimpluwensiyahan siya ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday co-star niyang si Kai Cortez sa pagti-TikTok.

At naging pampa-tanggal stress na raw nila ang paggawa ng iba't ibang video.

Hindi lang 'yan dahil pasiklaban din sina Kate Valdez at Benedict Cua sa paggawa ng videos.

Samantala, sinabi ni Barbie na lahat ng staff sa set ay nakikipag-cooperate sa pampalipas oras nila.

“Uso rin siya ngayon. Masaya rin siyang gawin,” sabi niya.

Panoorin ang mga kapana-panabik na tagpo sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday gabi-gabi sa GMA Primetime pagkatapos ng Descendants of the Sun Ph.

Mag-catch up din sa inyong paboritong Kapuso teleserye, pumunta lang sa official website ng GMA Network o i-download ang GMA Network app.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

WATCH: Dina Bonnevie, tinarayan daw si Barbie Forteza?

Barbie Forteza, humanga kina Lovi Poe at Max Collins sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'