Showbiz News

Ken Chan, excited na para sa aktor na gaganap bilang Prinsipe Zardoz sa 'Voltes V: Legacy'

By Cara Emmeline Garcia

Wala pa mang final cast ang Voltes V: Legacy, malaki na ang galak na pinaparamdam ni Ken Chan sa mga aktor na makakuha ng coveted roles ng upcoming live-action adaptation.

Ipinahayag ito ni Ken sa isang eksklusibong interview sa GMANetwork.com ngayong March 5.

Aniya, “Alam niyo sobrang excited na ako sa mga gaganap sa Voltes V.

“And naalala ko kasi nung nag-dub ako as Prince Zardoz talagang isa sa mga pinangarap na roles ko 'yun -- na gumanap sa Voltes V. Kasi noon pinapanood ko 'yan, '90s kid, 'di ba?”

Maalalang binigyang buhay ni Ken ang iconic villain at Bozanian Prince noong 2017.

Dagdag pa niya, “Talagang ang sarap lang na mapasama ka at mapabilang sa isa sa mga characters ng Voltes V at si Prinsipe Zardoz pa --isa sa mga iconic characters sa anime.”

Ibinahagi rin ng Kapuso actor ang kanyang galak sa aktor na makakakuha ng role sa Voltes V: Legacy.

Ani Ken, “Excited ako kung sinong gaganap sa Prinsipe Zardoz dito sa gagawing Voltes V: Legacy ng GMA.

“Looking forward ako kasi for sure magiging maganda 'to at magiging successful ito dahil si Direk Mark Reyes ang makakasama nila. Si Direk Mark yan! Kilala naman natin si Direk Mark na kung gumawa sobrang husay at excited ako at happy ako sa magiging part ng Voltes V.

“Ngayon pa lang, kino-congratulate ko na sila dahil alam ko na nararamdaman ko na magiging successful ito,” pagtapos nito.

Sa ngayon wala pa rin inaanunsyong final cast ang acclaimed director.

Abangan ang ilan pang updates sa Voltes V: Legacy dito lang sa GMANetwork.com.

Netizens compare scenes from 'Voltes V: Legacy' teaser and original anime

LOOK: Fans share their would-be cast for the upcoming 'Voltes V: Legacy' live adaptation