Showbiz News

Mahal, napagkamalang pusa sa office ng GMA Network?

By Cherry Sun

Napagkamalang pusa ang komedyanteng si Mahal sa nakakatawang TikTok video na kuha sa opisina ng GMA Network.

Patok sa netizens ang TikTok video ni Mahal na uploaded sa Facebook page ng Owe My Love. Bahagi ang komediyana sa upcoming Kapuso rom-com series.

Mapapanood sa video ang pagsunod sa pagngiyaw ng isang pusa para mahanap ito sa opisina ng mga Kapuso. Ngunit laking gulat ng netizens nang makitang si Mahal lang pala ang gumagawa ng tunog.

Anang komedyante, “Yes! Ako 'yun nagmi-meow. Meow!”

Panoorin:

As of writing, ang TikTok video sa Owe My Love Facebook page ay meron nang at least 597,000 views, 14,000 laugh reactions, 2,5000 comments at 13,000 shares.

TikTok video ni Mahal na napagkamalang pusa, patok sa netizens