What's Hot

NCT Dream charms fans at first PH concert

By Dianara Alegre
Published March 7, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

NCT Dream in Manila


NCT Dream sends fans into frenzy at their first Philippine concert.

Tunay na dream come true para sa Pinoy fans ang unang concert ng K-pop group na NCT Dream sa Pilipinas, na ginanap sa New Frontier Theater nitong February 29.

A post shared by NCT DREAM OFFICIAL (@nct_dream) on

Napuno ng hiyawan at tili ang venue ng kanilang “The Dream Show in Manila” concert dahil sa world-class performance ng grupo ng kanilang hit songs na “Go,” “We Go Up,” at “Stronger.”

Samantala, dahil sa mainit na pagsalubong at suporta ng Pinoy fans, pinasalamatan sila ng grupo na binubuo nina Renjun, Jeno, Haechan, Jaemin, Chenle, at Jisung.

Sa araw ng concert ay gumawa rin ang fans ng dream wall para sa kanilang mga pangarap para sa kanilang mga sarili at lipunan. May mga nag-wish ng world peace at pagkapuksa ng COVID-19 na kasalukuyang nananalasa sa iba't ibang bansa.

Ang NCT ay isang boy group na binuo at pinamamahalaan ng SM Entertainment sa South Korea. Ang Dream ay isa sa mga sub-unit nito, at may sinusunod itong "graduation" system, kung saan “guma-graduate” ang mga member sa sub-unit kapag tumuntong na sila sa edad na 20. Nag-debut ang naturang sub-unit noong 2016.

Panoorin ang buong 24 Oras report tungkol sa unang concert ng NCT Dream sa Pilipinas:

NCT's Johnny sheds light on how K-pop albums are made

BLACKPINK's "BOOMBAYAH" sets new record as the first K-pop debut MV to hit 800M views