
Namula, namaga at naimpeksiyon ang mga mata ni Ritchelle at ang itinuturong dahilan ay ang pagsusuot ng mumurahing contact lens.
Nagkalat ngayon sa mga tiangge at bangketa ang makukulay at bagsak-presyong contact lens na kadalasang nagkakahalaga ng PhP150 hanggang PhP350.
Ngunit nabibili ang mga ito sa mga optical shop nang hindi bababa sa PhP500.
Ang contact lens ay para sa mga taong malalabo ang mata at ayaw nang magsuot ng salamin. Karaniwang may grado ang mga ito.
Pero sa panahon ngayon, ginawa na rin itong fashion statement.
Isa si Ritchelle Bernal, 31, sa mga naakit ng makukulay na contact lens.
Dating casino attendant si Ritchelle sa Malaysia at nagsusuot siya noon ng contact lens para raw mas maging presentable.
“Kasi big eyes kasi. 'Yung maliit na mata natin, lumaki siya. Parang hindi na magandang tingnan kung wala akong contact lens kaya always ko siya sinusuot,” pahayag ni Ritchelle.
Ayon pa sa kanya, ang ginamit niya ay nabili niya sa mall at nagkakahalaga ito ng PhP4,000.
Aniya pa, “Original po siya kasi hindi po siya masakit.”
Sa loob ng tatlong taon ay palaging suot ni Ritchelle ang ng contact lens mula 6:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.
Isang araw, dala na rin ng pagod sa trabaho ay nakatulog si Richelle nang hindi natanggal ang contact lens.
“Paggising ko dahil puyat na puyat talaga ako, nawala na. Naghanap talaga ako. Sabi ko, 'Wala talaga siya!'
“Para akong napuwing. Pagkagising ko talaga, masakit na 'yung mata ko,” aniya.
Namula ang kanyang kaliwang mata hanggang sa lumipas ang siyam na buwan at lalo itong lumala.
“Sabi ng mama ko, 'Baka contact lens mo 'yan. Naano d'yan sa loob. Hindi mo alam, 'yang contact lens 'pag walang tubig 'yan, naninigas, parang glass 'yan,” aniya pa.
Hanggang sa may makapa na rin siyang bukol malapit sa kanyang kaliwang sentido.
Matapos ang 11 buwan, tuluyan nang lumobo ang kalahati ng mukha ni Ritchelle at halos lumuwa na ang kanyang kaliwang mata.
Bukod pa rito, madalas din umanong magdugo ang kanyang ilong, bibig at tainga. Hindi na rin nakakakita ang kaliwa niyang mata.
Samantala, ayon sa eksperto, sa mga optical shop lamang dapat bumili ng contact lens.
“You should buy from reputable place, meaning, du'n sa lugar na 'yon tuturuan din kayo kung paano gamitin, paano i-maintain, paano maglagay ng contact lens.
“Kasi, hindi naman puwdeng basta sundot mol ang 'yan sa mata mo, e,” lahad ni Dr. Richard Nepomuceno ng Philippine Academy of Ophthalmology.
“Puwede kang magkaroon ng allergy sa contact lens. Sometimes, nagkaka-infection.
“Mayroon mga contact lenses na designed na puwedeng itulog, pero konti lang 'yon. But even then, hanggat maaari, mas magandang hindi sila itulog,” dagdag pa niya.
Alamin ano ang tunay na sanhi ng pamamaga ng mukha ni Ritchelle sa espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho:
KMJS: Dutch national, sperm donor sa 'Pinas!
KMJS: Misteryo ng Maynila, tinuklas nina Yorme Isko Moreno at Ed Caluag