What's Hot

KMJS: Dutch national, sperm donor sa 'Pinas!

By Dianara Alegre
Published March 9, 2020 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho foreign sperm donor


Isang dayuhan mula sa Netherlands ang nagpunta sa Pilipinas para maging isang sperm donor.

Kakaiba ang pinagkakakitaan ng isang dayuhang mula Netherlands dahil namamalagi siya rito sa Pilipinas para maging sperm donor sa mga mag-asawang Pinoy na nahihirapang bumuo ng supling.

Pantasya ng maraming Pilipino, dala na rin ng Western culture, ang pagkakaroon ng mestizo o mestiza na anak, may blue eyes, maputi at natural blonde hair.

Dahil sa mga katulad ni Dutch national na si George, hindi niya tunay na pangalan, hindi na ito mananatiling pantasya lang. Uso na rin pala ngayon ang pagpunta ng mga dayuhan sa bansa, hindi lang para mamasyal kundi para maging sperm donor din.

Ang kanilang mga kliyente, single na babaing gustong magkaanak o mga mag-asawang nahihirapang magka-baby.

Nagaganap ang kanilang mga transaksyon sa mga private group sa social media platform na Facebook.

Samantala, sa masusing pagsasaliksik ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nakakilala at nakapanayam nila ang isang certified sperm donor na nagtutungo talaga sa 'Pinas para transaksiyon.

Si George, 26, isang Dutch national, single, matangos ang ilong at kulay brown ang mata.

Aniya, hindi siya namamalagi sa Pilipinas para mamasyal kundi para magbigay ng libreng sperm sa mag-asawang hindi na raw magkaka-anak.

Taong 2017 pa umano nang magsimulang maging sperm donor si George sa Netherlands at lima na ang nabigyan niya ng anak.

“It's quite common in my country. There are other sperm donors.

“I have both lesbian couples, obviously they are two women so they cannot make children together.

“Also, married heterosexual couples, that they cannot make babies like the sperm quality is bad. There are also some single women who contacted me, who told me that they had bad relationships with men,” aniya.

Dagdag pa ni George, may lumapit na rin umano sa kanyang mga babaing naabuso ng kalalakihan kaya mas nais ng mga ito na magkaroon ng anak kahit walang karelasyon.

“They've been abused. Ang that's why they want to have a baby without a man. I have helped from ages 24-39,” aniya.

Hanggang sa nalaman niyang in demand ang mga kagaya niya sa Pilipinas.

“I just want to go to the Philippines. I want to stay here. I want to find a job,” sabi ni George.

Dahil dito, sumali siya sa private group sa Facebook kung saan nagaganap ang mga transaksiyong nabanggit.

Dahil nga may lahing dayuhan, marami agad siyang natanggap na inquiries.

“They told me I am guwapo,” biro pa niya.

FILIPINO CLIENTS

Isa sa ilang Pilipinang humingi ng tulong kay George ay si Grace, hindi niya tunay na pangalan, siyam na taon nang kasal sa kanyang mister.

Sa loob ng siyam na taon ay hindi sila nakabuo ng anak dahil na rin sa malaking agwat ng mga edad nila.

“Natali na siya, na-vasectomy na siya. Tanggap ko 'yun before kasi, e. Bata pa ko nu'n.

“But now that I am on the age na tumatanda na, parang gusto ko ring maranasan 'yun [magkaanak],” pahayag ni Grace.

Ayon pa sa kanya, may dalawang paraan ng pagko-concieve sa ilalim ng sperm donation.

“Magbibigay sila sayo ng semilya nila. Tapos ikaw mismo ang mag-i-insert sa sarili mo. 'Yung second way is 'yung natural, which is mayroong pagtatalik.”

Maging matagumpay kaya ang inaasam na pagbubuntis ni Grace sa tulong ni George? Sundan ang eksklusibong pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol dito:

KMJS: Dahil sa paghihinagpis, lalaki lumuluha ng dugo?

KMJS: Pagpapaturok ng gluta, healthy o deadly?