Showbiz News

Dennis Trillo, Batangueno nga ba talaga?

Sa galing ni Dennis Trillo magsalita ng may Batangueño accent—aamin na ba ang binata na may lahi talaga siyang Batangueño? Text by Jason John S. Lim; with Interviews by Erick P. Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. "Siya, si Dennis ang best in accent!" 'Yan ang bungad na bati sa amin ni John "Sweet" Lapus, nang ma-interview namin si Dennis Trillo sa set ng Adik sa 'Yo. Dagdag pa ng comedian-host, "Siya lang ang hindi nako-correct nung [speech] coach namin." A very proud Dennis tells us, "'Yun, nakakatuwa dahil, alam mo 'yun, kahit mismo mga Batangueño tinatanong ako, taga-Batangas ka ba talaga?" For the record, hindi po taga-Batangas si Dennis. "Sabi ko, 'Hindi, tinuruan lang kami. Tapos magaling 'yung nagtuturo.'," he says, sharing with us his usual answer sa mga nagtatanong. Kuwento ni Dennis, talagang pinag-igihan lang daw niya ang pag-affect ng accent. "Before pa lang, talagang pina-practice ko na." He tells us, "siyempre maraming Batangueño sa Pilipinas, so ayaw ko namang mapahiya sa kanila. Para ma-portray ko lang ng nararapat. Sakto lang, hindi OA." Of course, hindi lang ang accent ni Dennis ang nakakakuha ng magandang feedback. The actor is very happy na laging magaganda rin ang nakararating sa kanyang response about the show. Kuwento ni Dennis, "Tuwing pupunta ako sa mall, ang tawag nila sa akin, 'Uy si Ala-e! Si Ruben!' Hinahanap sa akin 'yung baboy, hinahanap sa akin si Karen (Jennica Garcia)—lahat! Nakakatawa kasi first-time kong mag-romantic-comedy. Pero parang base doon sa mga reviews, parang natutuwa sila. Akala nila totoong Batangueño ako. So feeling ko, kahit papaano, nagagampanan ko naman ito ng maayos." Ruben, the Chick Magnet Moving on to what's happening in the show, Dennis shares na malapit na silang magkaayos ni Karen. Not surprising news naman, seeing as two weeks na lang ang natitira sa show. Pero nasaan na si Camille (Pauleen Luna)? "Ngayon, nasaan na ba si Camille?" Natatawang sagot sa amin ni Dennis, "Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano na nangyayari kay Camille! "Pero hindi ko pa nababasa 'yung pinakahuling script e, baka may surprise." And, we know naman, that whenever Ruben and Karen are getting on well, sumusulpot pa rin si Camille sa eksena! "Oo nga. Lagi na lang siyang ume-epal," Dennis notes. Of course, with Camille out of the picture and with two weeks left for the show to air, malamang may papasok pa rin na epal sa relasyon ni Ruben at Karen. "Medyo nararamdaman ko na nga 'yun, na magkakaganoon na." During the interview, inamin sa amin ni Dennis that he has yet to read the script for the last week. Kaya, regarding the twist, he says, "feeling ko masu-surprise din ako niyan." Ngayong patapos na Adik sa 'Yo, alam na ba ni Dennis kung ano ang next niya na gagawin? "Hindi ko alam e. Depende kung ano ibibigay sa akin, ako tumatanggap lang naman ako." Dennis says he doesn't want to say anything that would preempt whatever the network has planned for him. "So hintay na lang. Tingnan na lang natin kung ano man."
Don't forget, Adik sa 'Yo is extended to run until September 11! Pero bukod dito, you can also catch Dennis every Sunday sa SOP. Wag mahuli sa mga balitang Dennis! Be updated all the time through Fanatxt. Just text DENNIS(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan si Dennis sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!