Showbiz News

KMJS: Restobar sa Camarines Sur, lumakas ang kita dahil sa duwende?

By Bianca Geli

Isang restobar sa Sipocot, Camarines Sur daw ang perfect para sa foodtrip at walwalan pero nababalot ito ng hiwaga dahil sa mga kakaibang pagpaparamdam sa mga customer at empleyado ng bar.

Ayon sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa may-ari ng restobar na si Arbie Guerrero Delos Santos, matagal na raw napapansin ng mga taga-restobar ang mga misteryosong nangyayari sa lugar.

Aniya, “May mga naririnig kami na nagsasabing meron nga raw…nagpapakita yata.”

KMJS: Dutch national, sperm donor sa 'Pinas!

Kuwento naman ng dating security guard ng bar na si Peter, “Na-experience ko kagabi, 'yung two-way radio ko po, pinaglaruan po. Nag-o-off open po. Tapos 'yung balikat ko parang tinatapik tapik.”

Sa kabila man ng mga kakaibang pangyayari sa restobar ni Arbie, marami pa rin ang pumupunta rito. Hanggang sa may nakilala si Arbie na nagpatunay sa kanilang kutob.

May isang diumano'y psychic na nagbanggit daw kay Arbie na may duwende raw sa kaniyang restobar na nagdadala ng suwerte sa negosyo. 'Yun nga lang, sadya raw pilyo ang duwende.

KMJS: Namamagang mukha ni Ritchelle Bernal, dahil sa contact lens?

Ang paborito raw biruin ng duwende, ang kahero na si Moymoy.

Kuwento ni Moymoy, “Bandang alas-dose ng hating-gabi, sarado na 'yung bar. Mag-iinuman sana kami noon, tapos may charger sa gitna ng lamesa. Gumalaw siya hanggang sa nalaglag siya.”

Dagdag niya, “Bigla na lang parang may dadaan kahit wala namang tao. Parang normal din na tao kaso maliit nga lang. Pero hindi namin makita 'yung tunay na hitsura.”

Madalas pa raw alayan ni Moymoy ng tsokolate at candy sa restobar ang diumano'y duwende.

Ayon sa anthropologist na si Nestor Castro, “Medyo matagal na 'yung paniniwala na 'yung duwende ay suwerte. 'Yung iba, kinakaibigan ang mga duwende, sa layunin nilang makuha nila ang suwerte.

Isang linggo naman mula ng magpakabit ng CCTV sina Arbie, may na-record silang kakaiba. Isang duwende raw, na-caught-on-cam?

Panoorin ang buong istorya sa KMJS: