Showbiz News

Chariz Solomon excited sa kanyang bagong ka-love team

Ngayon pa lamang ay madami nang nalulungkot sa balita na papalapit na ang mga huling eksena sa nakakatuwang prime time hit, ang 'Adik Sa 'Yo'. Ngunit para sa aktres na gumaganap ng Emilene sa istorya, panahon na niya para mas lalong maging masaya sa mga remaining scenes niya dito. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. "Mas masaya! Kasi nakasama ko ulit si Chynna, nakabonding-bonding namin siya, ang ingay namin lagi. Nadagdagan ng characters kaya mas masaya," ang banggit ni Chariz Solomon sa iGMA nang maabutan namin siyang nakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan at co-stars na si Chynna Ortaleza at Jennica Garcia sa set ng Adik Sa 'Yo. At tuwang-tuwa niyang binanggit sa amin na may mga scenes siya na gagawin ng mismong hapon na 'yun kung saan siya very excited. "May mga eksena kasi kung saan magbabago ang buhay ko. Kasi bago ito din para sa akin – ang pagdating ng isang lalaki sa buhay ni Emilene," binalita ni Chariz. "Magbabago ang buhay ko, pero hindi ko sa inyo sasabihin kung sino!" At ano ang pakiramdam niya na natupad din ang kanyang pinapangarap na eksena simula noon pa? "Ito na 'yun! Kinakabahan ako kasi kukunan na mamaya! Hindi ako kinikilig, kinakabahan ako, kasi first time ko magkakaroon ng partner," kilig na sinagot ni Chariz. "Nagkaroon naman ako ng partner dati sa mga guestings, nagkaroon ako ng dalawang kissing scenes na smack lang. Pero sa mga ka-close ko na boys, first ko lang talaga siya makakasama ng ganito." Pero, sa kabila ng kanyang excitement ay mukhang pinaghandaan pa niya ito ng todo. Ang totoo, mismong sa boyfriend pa niya sa totoong buhay kumuha ng suporta sa darating na mga eksena. "Sabi niya hindi naman daw kailangan may kissing scene! (laughs) 'Tsaka [ang totoo], sabi [pa] niya kaya ko daw 'yan! Kinausap niya sa phone sila Chynna at Jennica – tulungan daw [nila] ako, i-practice daw ako na kunyari sila ang lalaki," bulalas ni Chariz. "Basta nakakatuwa 'yung eksena, magkaka eye to eye kami, biglang titibok ang puso namin!" Ngunit siyempre tinanong namin si Chariz kung ano talaga ang pakiramdam ng kanyang boyfriend at mukhang dadalas na ang pagkakaroon niya ng love interest at siyempre, mga kissing scenes. Pero, sa sagot ni Chariz, maski na may halong selos ito, mukha namang ibang lebel ang pagkakaintindi ng BF niya sa kanyang piniling career. "Nahihiya, talaga ako. Feeling ko baby pa ako. Oo, nagalit ang jowa ko! Sabi niya, 'Bakit mo gustong halikan si Geoff Eigenmann?!' (laughs) 'Di ba naglolokohan tayo nun?" tugon ni Chariz. "So finally, magka-come true na at hindi lang kay Geoff Eigenmann." Ano naman ang feeling ng ating komedyanteng StarStruck: The Next Level alumnae sa mga breaks na natatanggap niya dito sa Adik Sa 'Yo? "Importante pala si Emilene sa istorya. Echos! Hindi, wala natutuwa talaga ako sa role ko dito kasi nga nafe-feel ko na ang ganda ganda ng role ko,' inamin sa amin ni Chariz. "Siguro ito 'yung pinaka favorite kong role na ginawa sa prime time, ang dami kong natutunan, pati sa kasama kong mga staff, EP, Direktor, masaya!" Sino ba talaga ang misteryosong lalaking ito na makakapareha ni Chariz? Malalaman natin 'yan sa patuloy na pagsusubaybay sa mga nakakatuwang eksena ng Adik Sa 'Yo sa GMA Telebabad! Pag-usapan ang mga huling eksena sa Adik Sa 'Yo sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!