advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Original 'Mulawin' cast: Where are they now?

1 of 21

Mulawin

Taong 2004 nang ipalabas ang 'Mulawin' at isa ito sa pinakasikat na GMA telefantasya noon. Ang mga nasa larawan ay ang mga mabubuting taong ibon.

2 of 21

Ravena

2005 nang matapos ang iconic telefantasya at sinundan agad ito ng isang pelikula na 'Mulawin: The Movie.' Ang mga nasa larawan ay ang mga kontrabida na tinawag na Ravena.

3 of 21

Richard and Angel

Matatandaang sikat na sikat ang love team nina Richard Gutierrez at Angel Locsin noon na gumanap bilang Aguiluz at Alwina. Kumustahin natin ang cast ng 'Mulawin.'

advertisement
4 of 21

Richard Gutierrez as Aguiluz

Ngayon ay masaya nang nagsasama sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Biniyayaan sila ng cute na cute na anak na si Baby Zion.

5 of 21

Angel Locsin as Alwina

Matapos ang 'Mulawin,' sunod-sunod ang proyekto ni Angel sa telebisyon magpa-hanggang ngayon at madalas din siyang lumalabas sa TV commercials.

6 of 21

Dennis Trillo as Gabriel

Ayon kay Dennis Trillo, wala siyang ibang nakikitang maaaring gumanap bilang Gabriel sa 'Mulawin VS Ravena' kung 'di siya lamang.

advertisement
7 of 21

Bianca King as Aviona

Hindi na ganoong aktibo si Bianca King sa showbiz ngayon. Noong 2014, kasama siya sa mga nagtayo ng restaurant business na 'Runner's Kitchen' na kilala sa healthy offerings.

8 of 21

Ara Mina as Vultra

Ngayon ay single mom si Ara Mina sa anak na si Amanda matapos silang maghiwalay ng politikong si Patrick Meneses.

9 of 21

Gary Estrada as Rasmus

Huling napanood si Gary Estrada sa high rating GMA Telebabad soap na 'Alyas Robin Hood.' Biniyayaan ang mag-asawang Gary at Bernadette Allyson ng tatlong anak na babae.

advertisement
10 of 21

Zoren Legaspi as Bagwis

Ngayon ay nagbalik-Kapuso si Zoren Legaspi at binibigyang-buhay ang karakter ni Emre sa 'Encantadia.'

11 of 21

Romnick Sarmienta as Habagat

Iniwan na rin ni Romnick Sarmienta ang showbiz career at itinuon nito ang kanyang pansin sa isang Filipino restaurant business na itinayo nila ng asawang si Harlene Bautista.

12 of 21

Bearwin Meiley as Kuwak

Malaki na ang ipinagbago ni Bearwin Meiley sa kanyang physical appearance dahil fit na ngayon ang dating komedyante.

advertisement
13 of 21

Eddie Gutierrez as Dakila

Masaya pa rin si Eddie Gutierrez sa piling ng asawang si Annabelle Rama. Ngayon ay marami na ang mga apo ng beteranong aktor.

14 of 21

Karen Delos Reyes as Savannah

Isa ng freelance assistant director sa TV commercials si Karen Delos Reyes ngayon.

15 of 21

Marissa Sanchez as Tuka

Kamakailan lamang ay nagtayo ng sariling food cart business ang komedyanteng si Marissa Sanchez.

advertisement
16 of 21

Amy Austria as Lourdes

Patuloy pa ring napapanood si Amy Austria sa telebisyon at mga pelikula hanggang ngayon.

17 of 21

Sam Bumatay as Lawiswis

Iniwan na ni Sam Bumatay ang mundo ng showbiz at nag-focus sa kanyang studies. Ngayon ay nag-aaral siya ng kolehiyo sa University of Santo Tomas.

18 of 21

Miguel Tanfelix as Pagaspas

Ang 'Mulawin' ang unang teleserye ni Miguel Tanfelix. Matapos ang 12 taon, muli siyang gaganap bilang Pagaspas sa 'Mulawin VS Ravena.'

advertisement
19 of 21

Kiel Rodriguez as Terong

Pamilyado na ngayon si Kiel Rodriguez at kamakailan lang ay nakabilang siya sa cast ng GMA show na 'Juan Happy Love Story.'

20 of 21

Jaja Bolivar as Biba

Matagal nang wala sa bansa si Jaja Bolivar dahil nag-migrate na siya sa New York City, USA.

advertisement