Showbiz News

Alex Castro and Camille Cortez, GMA artists na!

Nang kunin ng GMA Artist Center sina Geoff Taylor at Frencheska Farr bilang contract artists ng talent agency, kinuha rin ng GMAAC ang mga runner-ups na sina Alex Castro at Camille Cortez. Text and Photos by Jason John S. Lim. "Sobrang nagulat ako," inamin ni Alex Castro sa amin ng ipatawag sila ng GMA Artist Center para maging part na rin ng talent agency. Paliwanag niya, "ang alam po namin kasi, ang mga winners lang ang may pag-asang magkaroon ng contract sa GMA Artist Center." Habang si Camille Cortez naman ay "siyempre, super happy." Idinagdag pa niya na, "hindi naman ako super nage-expect dati na kunin nila ako, pero may hope pa rin para doon." Ngayon, thankful si Camille sa pag-acquire ng GMA Artist Center sa kanila ni Alex, at sa dalawa pa nilang kasamahan na sina Jay Perillo at Zyrene Parsad. "So blessed" nga daw ang nararamdaman niya. Dagdag pa niya, "feeling mo, winner ka na rin." Alex adds, "nagkakatotoo na unti-unti 'yung pangarap namin. Sinimulan namin sa Next Big Star, and then ngayon, itutuloy namin sa Artist Center." Kung wala man silang expectations coming in, the two agrees that they are looking forward sa mga project na darating. Sabi nga ni Alex; "Napakaraming stars na dito hinubog sa Artist Center. Nasa Artist Center talaga 'yung pinagkukuhanan ng mga artista dito sa GMA. [Pero] alam ko naman na nasa amin din ‘yun e. Ang Artist Center gagawin ang lahat para maibigay sa amin kung ano ang dapat sa amin, and kami bilang mga artist, 'yung talent naming, 'yung isho-showcase namin, kung magugustuhan ng tao—and ‘yun ang maghihiwalay sa amin sa ibang mga stars." Bilang isa si Alex sa may mga previous showbiz experience na sa grupo, he has a few tips para sa mga kasamahan niya—tips that he himself follow: "Kailangan maging professional lang sa lahat ng mga gagawin, kailangan ipakita 'yung talent, at sana kahit papaano sumabay at pumantay doon sa mga artist na talagang magagaling na." He says that sa simula, talagang maraming pupunta sa kanila, "unti-unti, matututunan ‘yan." Personally, he adds, "sana 'yung mga dating nagawa ko, malampasan ko dito sa Artist Center." Sa pagtatapos, Camille and Alex leave a couple of promises para sa kanilang mga tagahanga na sumuporta sa kanila sa Are You the Next Big Star? Alex: "Mapa-promise ko na mag-aaral pa ako ng mabuti, sa singing, sa acting, sa dancing—dito sa mundo ng showbiz dapat marami kang bala e. Hindi lang singing, hindi lang dancing—dapat lahat kaya mong gawin. Dahil ganoon kagrabe ang competition dito." Camille: "Gagawin ko lahat ng best ko. Hindi ako magpe-petix, magiging professional ako. Ever since naman sumali ako dito, hindi ako nagpapa-late. Hindi ko naman sinasadya rin magkamali, hindi ‘yun tawag na pasaway, nagkakamali ka rin. Maipa-promise ko lang, gusto ko, magiging better ako every day, and sa lahat ng mga gagawin ko, ipapasa Diyos ko. Put God first, ‘yun po." Watch out sa mga magiging projects nina Alex and Camille under GMA Artist Center! In the meantime, catch the two Next Big Star winners, Geoff Taylor and Frencheska Farr as they tour the Philippines at these dates and venues: September 5 – SM Taytay September 6 – SM Southmall September 12 – SM Naga September 13 – SM Bicutan September 19 – SM Baguio September 20 – SM Valenzuela September 26 – SM Baliuag September 27 – SM Dasmarinas October 15 – SM Iloilo Tell us your thoughts about the Are You the Next Big Star?! Siyempre sa iGMA Forum lang! Not yet a member? Register here!