Showbiz News

Heart Evangelista on COVID-19: 'Ang totoong kayamanan is health'

By Marah Ruiz

Trending na naman si Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista matapos ipamalas ang kanyang fashionable face masks na siya mismo ang nag-customize.

Tinahian kasi ni Heart ng mga lumang ribbons mula sa mga iba't ibang luxury brand ang kanyang face masks. Isang lucky fan pa ang pinadalhan ni Heart ng isa sa mga creations.

"Natutuwa ako kasi I guess it's my way of trying to be positive. I know mahirap talaga 'yung pinagdadaanan natin ngayon pero kailangan pa rin natin maging hopeful. I guess that's my way of being creative and trying to put a smile on somebody," kuwento ni Heart.

Paalala din ni Heart na iwasan ang hoarding at maging mapanuri sa mga nababasa, lalo na sa social media.

"Ang daming nagho-hoard so siguro 'yun nakakalungkot 'pag nakakakita ako ng ganoon. Sana magtulong-tulong talaga tayo kasi lahat tayo puwedeng maapektuhan nito. It's really growing so we just have to follow and be aware of kung ano man nasa social media, kung ano'ng mga kailangan. Alamin natin 'yung fake news, ano 'yung totoong news," pahayag niya.

Dahil sa banta ng COVID-19, minabuti na rin ni Heart na ikansela ang kanyang mga biyahe abroad.

"Madami dapat akong a-attend-an for Vogue, for Paris Fashion Week, for Milan, for all of that. In fact, 'yung mga iba nga, na-reserve ko na 'yung flight, may hotel and everything. But I really felt that I needed to be a bit more responsible especially because I have kids at home. I really canceled all my trips," aniya.

Lalo pa daw niyang nabigyan ng pagpapahalaga ang kanyang kalusugan.

"Masaya magbihis, masaya mag-enjoy ng buhay. Pero ang totoong kayaman kasi is health and your moments with your loved ones," paliwanag ni Heart.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:

Heart Evangelista showcases her "Hermes" face mask to combat coronavirus

Heart Evangelista's "Hermes" face mask inspires fans to create DIY luxury gears