Showbiz News

Pauleen Luna, mang-aagaw nga ba?

Sa pagtatapos ng 'Adik sa 'Yo', Pauleen Luna's character has already redeemed herself-sa kanyang pagpaparaya kina Ruben at Karen. Pero ano itong balita na may ibang lalaki na naman siyang aagawin? Text and Photo by Jason John S. Lim; with Interviews by Erick P. Mataverde. Sa huling linggo ng Adik sa 'Yo, makikita pa rin si Pauleen Luna sa ilang eksena bilang si Camille, ang ex-girlfriend ni Ruben (Dennis Trillo). "Konti na lang," ang clarification ni Pauleen regarding her remaining scenes. "Wala nang rift, so okay na." For those who aren't up-to-date sa mga pangyayari sa Adik sa 'Yo, pinakawalan na ni Camille si Ruben matapos malaman na mahal pa rin ng binata si Karen (Jennica Garcia). "Magiging Sexbomb Dancer siya ulit," Pauleen says of her character. So kahit hindi man daw nakuha ni Camille ang dream guy niya, "in a way, 'yung dream [job] niya, nakuha niya rin." Wala mang maidagdag si Pauleen about her character sa show, mayroon pa rin siyang gustong i-tease about the finale week para sa mga fans ng show: "Ay, ang dami pang mangyayari. Dahil kung sa tingin nila si Lisa (Chynna Ortaleza) ay paganyan-ganyan lang ‘yan, sa last week ang daming revelations about her. At saka ang dami pa niyang gagawin na twists and turns doon sa apat [including Joanna (Jolina Magdangal") and Carlos (Marvin Agustin)]. So ‘yun 'yung dapat nilang abangan." After Adik sa 'Yo, fans of Pauleen will not have to wait long para makita ulit ang idol nila sa prime time. "I play the role of Sofia," Pauleen shares tungkol sa kanyang bagong soap na tentatively titled Now That I Have You. "Ako 'yung elder sister ni Jennylyn [Mercado]." But that's not her only role sa series. "Mark [Herras] is engaged to be married to me-doon magsa-start 'yung away." Sofia, Pauleen's upcoming role, will thrust the actress to new heights bilang isang kontrabida. "Kasi 'yung kay Camille [sa Adik sa 'Yo], kontrabida siya pero it's a romantic-comedy e. Hindi pa rin siya dinadamdam ng mga tao." Inamin ng dalaga, "medyo natatakot ako. Kasi medyo madami nang nagalit kay Camille, what more pa kay Sofia na serious, at saka during the story conference, makikita mo talaga na si Sofia lang ang may dala ng problema sa buong istorya. So it's a very challenging role for me." Pero, Pauleen says, it's still fun para sa kanya. Dahil bukod sa makakasama niya ulit ang kanyang Blue Moon co-stars na sina Mark at Jennylyn, she'll also be reunited with her Adik sa 'Yo family including Direk Joel Lamangan, Rams David and the team of Miss Helen Rose Sese. "It's always fun working with Direk Joel, kasi mabilis," kuwento sa amin ni Pauleen. "Tapos, it's always great to be directed by a veteran, and a very, very good director. Ang dami mong natututunan, kahit masermonan ka, at least you learn something from it. So masaya." And Pauleen tells us na grateful siya sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng network. "Palaki ng palaki [ang roles ko], kaya sobrang thankful [ako]." Tungkol sa mga mangyayari sa soap, mayroon na bang puwedeng ikuwento si Pauleen? "Hindi pa ako sure," sagot ni Pauleen. She tells us na hindi pa niya alam kung ano ang mga magaganap sa bago niyang show. But she is excited because "gusto ko nang magtrabaho ulit. I'm very thankful I've been really, really blessed. So, ano lang, sana blessings will keep on coming." To her fans, and the fans of Adik sa 'Yo, here's Pauleen's message: "Sa lahat po ng sumuporta ng Adik sa 'Yo, thank you, thank you very much. Na-extend kami so that's very good news for everyone. And sana po abangan nila itong Now That I Have You, it's ibang-ibang flavor naman para sa aming tatlo nina Mark and Jennylyn. Kasi 'yung Blue Moon, medyo subtle lang ‘yun e. Heto talaga, strong 'yung mga personalities nung mga characters, kaya it's something to look forward to."
Habang hinihintay ang premiere ng bago niyang soap, you can still catch Pauleen Luna sa finale week ng Adik sa 'Yo. You can also watch her weekdays sa Eat Bulaga, and from time to time, sa SOP at Bubble Gang. Want more of Pauleen? Subscribe na sa Fanatxt service niya! Just text PAULEEN(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)