Showbiz News

Jolina masaya sa pagtatapos ng 'Adik Sa 'Yo'

Yes, important ang mataas na ratings—pero for Jolina Magdangal, she admits na mas gusto niya ang mababa sa simula kesa sa instant hit! Text by Jason John S. Lim. Interview by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Kung si Jolina Magdangal ang tatanungin, she's very happy sa naging takbo ng Adik sa 'Yo—both story-wise and ratings-wise. "Mas gusto ko 'yung ganoon," she says of the show's slow start sa ratings. "When it comes to ratings, okay lang kung hindi bumongga 'yung umpisa—pero paangat. Mas natatakot ako kung bongga 'yung una. Tapos, paano mo isu-sustain? Paano mo papataasin? So okay na sa akin 'yung nangyari sa Adik." Ang masakit nga lang daw, according to Jolina, is that the show is short. "Pero okay na rin 'yun," she continues. " Para masabik din 'yung tao, hindi 'yung humaba na ng humaba." But, Jolina does have a request; " Sana 'yung mga tao, hindi lang sa show namin, sa umpisa pa lang: talagang tutukan na nila. Para nasusundan na agad nila. Hindi 'yung patapos na at saka lang uminit." "Pero, siguro, nasa story din naman 'yun," Jolina muses. "Baka talagang ngayon lang din naging mainit masyado 'yung Adik." At definitely magiging mainit ang mga eksena sa huling linggo ng Adik sa 'Yo! "Kahit kami, nae-excite kami sa taping," Jolina tells us. "Tawa kami ng tawa." At kung enjoy ang mismong cast sa mga mangyayari, what more ang mga manonood, hindi ba? A grateful Jolina Ratings aside, alam ni Jolina that Adik sa 'Yo wouldn't be where it is now kung hindi dahil sa loyal viewers nito. "Thank you sa lahat ng mga nanunuod," Jolina says. Kuwento nga niya, halos lahat raw ng puntahan niya, lagi raw may nakakakilala sa character niya sa show. "Coincidence naman masyado kung kahit saan ka pumunta, nanunuod ng Adik sa 'Yo, 'di ba?" "Ultimo bata, 'Joanna, nasaan si Carlos (Marvin Agustin)?'," she continues. "Ganoon talaga." Equally thankful din si Jolina sa mga naging kasama niya sa show. "'yung cast at saka 'yung production." "Sa lahat ng pinagtrabahuhan ko, si Miss Helen [Rose Sese], 'yung EP (Executive Producer) namin? Napakagaan." She adds, "siguro dahil na rin sa show, dahil comedy siya; pero happy ako na nakatrabaho ko sila." A very happy Jolina tells us din na tuwang-tuwa siya at nakatrabaho niya ulit sina John Lapus at Eugene Domingo—lalo na si Eugene ! "Naka-work ko na siya sa [I.T.A.L.Y.], 'di ba?" Jolina reminds us. "Masaya ako na nakasama ko siya dito sa Adik sa 'Yo--nanay ko pa! 'di ba? Nakakatawa siya talaga." Talaga naman all praises si Jolina para sa kanyang cast-mate na si Eugene , adding, "hindi ka magsasawa sa kanya. Idol ko talaga si Ate Uge ( Eugene 's nickname)."
Don't miss the last episodes of Adik sa 'Yo on GMA Telebabad. But you can still catch Jolina sa SOP at Dear Friend tuwing Sunday ng tanghali hanggang hapon. Be updated with what's going on with Jolina. Just text JOLINA(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)