'Kingdom' character na si Seo-bi, pinakiusapan ng fans na humanap ng lunas sa coronavirus
Sa kabila ng nararanasan na pandemic ng buong mundo dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), lumabas pa rin ang pagiging komedyante ng mga netizen.
Noong isang linggo, nag-premiere ang season 2 ng K-zombie thriller ng Netflix na Kingdom, na pinagbibidahan ng actor na si Ju Ji-hoon bilang si Crown Prince Lee Chang.
Dahil sa story development ng Kingdom, lumabas ang pagiging creative ng mga manonood at humirit sa karakter ni Nurse Seo-bi na humanap ng solusyon sa coronavirus.
Ginagampanan ng actress na si Bae Doo-na ang role ni Seo-bi sa series.
Heto ang ilan sa mga kulit hirit nila sa Twitter.
Bukod kina Ji-hoon at Doo-na, kasama din nila sa Kingdom sina Kim Sung-kyu at and Kim Sang-ho.
Streaming site Netflix launches cheapest and mobile-only plan in the Philippines