Showbiz News

Jennica Garcia says goodbye to Karen

May isang araw pa ang 'Adik sa 'Yo'! At sa huling pagkakataon, we got to talk to Jennica Garcia about everything na may kinalaman sa show. Intrigued? Wait till you hear about Jennica's next show! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Halong lungkot at saya ang nararamdaman ni Jennica Garcia sa pagtatapos ng Adik sa 'Yo. "Lahat kami, 'Heto na 'yun?'," Jennica tells us sa set ng show nung huling beses namin silang nabisita. Inamin ng young actress na hindi raw siya talaga mapakali 'pag walang show. "Gusto ko talaga itong ginagawa ko e. Kapag nabakante ako, hinahanap-hanap siya ng katawan ko: 'yung puyat, 'yung pag-memorize ng linya—pag wala siya, may kulang talaga." Karen Becomes Her "Gusto ko talaga 'yung character niya kasi nandoon 'yung sumusundot na tunay na Jennica," sambit sa amin ng young actress. "Parang minsan, hindi ko na siya kailangan i-act out kasi ‘yun na ako talaga." Kuwento nga ni Jennica, the only difference daw niya sa character niya ay ang paniniwala ni Karen sa soul mates. Dahil ultimo ang best friend ni Karen na si Emilene ay best friend rin ni Jennica in real life! "Hindi naman kami naging best friend ni Chariz [Solomon] dahil sa show na ito e," Jennica explains to us. According to her, Impostora days pa lang daw ay naging malapit na siya kay Chariz. "Si Chariz talaga 'yung first ko na friend sa showbiz." Adik sa 'Yo is good for the heart. Sa aming pakikipag-usap with Jennica, nabanggit ng dalaga na very helpful din ang Adik sa 'Yo--especially sa mga taong may love life. She cites na isa sa mga importanteng lessons na natutunan niya in life ay galing sa show: "Sa isang relasyon, hindi ‘yun magwo-work kung isa lang ang may gusto, isa lang 'yung gumagawa ng paraan." "Teamwork ‘yan e," she adds. "Dalawa kayo e; dalawa kayong nagsimula, sabay niyong pagsikapan. Kung isa lang ng isa lang 'yung may gusto, mauuwi lang ang lahat sa wala." Making Friends Jennica reveals na masaya siya sa pagkakasama ni Chynna Ortaleza sa Adik sa 'Yo--dahil may bago siyang kaibigan na talaga namang tulad niya na makulit at kikay. As it turns out in the story, kapatid din pala nila si Chynna. "It only shows na 'Oh my God, Joey Marquez! Babaerong Frog ka talaga!' Sobra! Ang dami niyang anak tapos iba-ibang asawa." "Tapos, siguro kasi ako alam ko na [ang mangyayari], si Lisa, si Chynna, may something sa utak!" Jennica compares her co-star to Emily the Strange, "nakakatakot talaga siya, pati 'yung mga tingin niya!" Inamin rin ni Jennica that before she got to know Chynna, "takot talaga ako [sa kanya] e. Hindi ko alam na mabait pala siya, ang sarap pala niyang kausap." Kaya ng tanungin namin si Jennica about missing the show, isa si Chynna sa mga binanggit niya na mami-miss niya when it ends. "Mami-miss ko talaga 'yung bonding," panimula niya. "Pati 'yung team na 'to, sobrang bait nila; ang bilis-bilis namin matapos, tapos hindi rin kami nauubusan ng pagkukuwentuhan." Pero ang talagang mamimiss daw niya ay si Benjie Paras, "siyempre parang tatay ko na 'yan. Si Momsie (Elizabeth Oropesa) at si Popsie (Joey Marquez). Tapos ang aking tatlong girls: si Poleng (Pauleen Luna), Cha (Chariz) and si Lisa (Chynna)." At sino pa? "Si Ruben (Dennis Trillo). Yes, nakakamiss talaga." On kissing Dennis again and again Nung nagsimula ang Adik sa 'Yo, inamin naman ni Jennica sa amin na medyo nahihiya pa siya sa kissing scenes nila ni Dennis. Pero ngayon, wala nang ilangan. "Wala naman akong choice kay Direk Joel [Lamangan] e," biro ni Jennica. "Pag sinabi niyang 'maghalikan kayo diyan!' 'Opo, Direk!' [na lang ang sagot]." But Jennica says maalaga naman daw ang kanyang kapares. "Sobrang gaan niya ka-eksena," she says. "Hindi niya ipaparamdam sa 'yo na dapat mailang ka. Ipaparamdam niya sa 'yo na safe ka kapag [siya] ang kaeksena mo. So magtiwala ka lang. "So ako, ‘yun naman 'yung ginagawa ko."
Kaya ngayong gabi, ‚wag nang palampasin ang huling episode ng Adik sa 'Yo! And then, starting next week, mapapanood niyo na rin si Jennica sa SRO Cinemaserye with Sheena Halili at sa Dear Friend with Mart Escudero! May gusto ka pa bang malaman from Jennica? Be updated sa mga ginagawa ng dalaga through Fanatxt! Just text JENNICA ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)