What's Hot

KMJS: Kababaihan ng tribong Palaw'an, bakit nagiging batang ina?

By Dianara Alegre
Published March 17, 2020 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Tradisyon nga ba o pangangailangan ang dahilan kung bakit nagiging batang ina ang mga kababaihan ng tribo ng Palaw'an?

Nag-viral kamakailan ang mga litrato ng mga batang may inaalagang mga sanggol na akala ng marami ay kanilang mga kapatid ngunit mga sarili pala nilang anak.

Ang mga batang ina na tinutukoy ay ang mga naninirahan sa Rizal, Palawan at kasapi ng tribong Palaw'an.

Sa kultura ng tribo, karaniwan sa kanila ang arranged marriage, 'yung nga lang, ipinapakasal sila sa mga lalaking doble ng kanilang edad.

Ang nakakuha ng larawan ng mga batang ito ay si Jenevil Tombaga na isang health worker.

Aniya, “'Yung isa po du'n nasa 14 years old. At 'yung isa po, ayon sa pagkaka-describe ng kanyang mister nine to ten years old.

"Hindi po natin sila masisi dahil 'yun po 'yung tradisyon nila. Sa akin, nakikita kong malaking danger po ito sa buhay ng ating mga katutubo.”

Pinuntahan ng Kapuso Mo, Jessica Soho team ang bundok ng Tau't Bato kung saan matatagpuan ang Barangay Ransang na tinitirhan ng mga Palaw'an.

Nang makarating sa lugar ay napansin ng team na mayroon nang mga anak ang mga dalagitang edad 13 hanggang 18.

Isa sa mga naturang batang ina ang itinago sa pangalang Minnie. Kasalukuyan siyang isang Grade 4 student at pitong buwan siyang buntis ngayon.

“Nag-asawa po ako 12 at ngayon 13 buntis po ako. Hindi na po puwedeng maglaro dahil may asawa na ako.

Bumukod na umano si Minnie sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang mister na 21 taong gulang.

“Twenty-one po ang edad niya. Kinuha niya po ang number ko at nagkakilala po kami. Pagkatapos po, namanhikan na po siya.

“Gusto po nila kasi may mga asawa na mga anak nila,” sabi pa niya.

Masipag mag-aral si Minnie ngunit tumigil siya sa pagpasok sa eskuwela nang siya'y mabuntis.

“Gusto ko pong makapagtapos,” lahad ni Minnie bilang nais niyang maging isang guro balang-araw.

Pero paglilinaw ng dalagita, mas pipiliin niyang mag-asawa na lang kaysa mag-aral para makatulong sa kanyang mga magulang. “Mag-asawa na lang po. Para makatulong at mapakain ang mga magulang ko.”

Aminado rin si Minnie na nangangamba siya sa kanyang pagdadalantao lalo na ngayon at malapit na siyang manganak.

“Natatakot po ako kasi baka hindi ko kayanin,” aniya.

Bukod sa pag-aasawa ng maaga, legal din umano sa tribo nila ang pagkakaroon ng dalawa at higit pang asawa. Ito ang kulturang ng mga Palaw'an na tinatawag na Duway.

Anong sistema ang umiiral sa tribong ito?

Kilalanin ang tribong Palaw'an sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Related:

KMJS: Zion of God, exempted sa COVID-19?

KMJS: Dutch national, sperm donor sa 'Pinas!