Showbiz News

Re-run ng 'Encantadia,' wish-granted para kay Direk Mark Reyes

By Felix Ilaya

Simula Huwebes, March 19, pansamantalang magiging kapalit ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) ang telefantasya na Encantadia!

'Encantadia,' mapapanood muli sa GMA Telebabad

Ayon sa Instagram post ni Direk Mark Reyes na siyang nag-direct ng hit 2016 telefantasya, natupad daw ang kaniyang hiling sa muling pag-ere ng naturang show.

Hindi lang si Direk Mark ang masaya dahil pati ang mga Encantadiks o fans ng Encantadia ay excited na muling mapanood ang kanilang paboritong serye sa telebisyon.

Basahin ang kanilang reactions below:

Maliban sa Encantadia, muli ring mapapanood ang shows na Ika-6 Na Utos, Kambal, Karibal, at My Husband's Lover.

Abangan ang pagbabalik ng Encantadia ngayong Huwebes na, March 19, sa GMA Telebabad.