Showbiz News

Nadine Samonte: 'Mabait naman ako.'

Nasubaybayan na natin ang mga iba't-ibang pangyayari at tagpo sa buhay ni Roma sa mga maaksyong eksena sa ‘Darna’. And for Nadine Samonte, ang role niya dito bilang Babaeng Impakta literally brought out the best and worst in her. Text by Erick Mataverde. Photos by Mitch S. Mauricio. "Ilang beses na din akong namamatay, pero nabubuhay pa rin ako. So may mga interesting na twist kung paano ako nabubuhay," ang kuwento ni Nadine Samonte sa iGMA nang bisitahin namin siya sa isang remote set ng Darna sa Bulacan. "Kung sinu-sino 'yung mga taong tumutulong sa akin na hindi iisipin ng mga viewers na sila ang tutulong sa akin." Hindi din kaila kay Nadine ang magandang feedback na nakukuha niya sa pagganap niya bilang Babaeng Impakta. "Mas kinatatakatukan nila 'yung nasa likod ko, minsan nga tuwing gabi pag napapatingin ako sa likod ko – nagugulat pa rin ako," inamin niya. Natuwa din naman siya sa background ng kanyang karakter bilang Babaeng Impakta, na ngayon ay siguradong inaabangan kung ito ay babalik – o kaya, dahil sa mga masasamang plano ni Kobra (Paolo Contis), magiging ibang nilalang kaya si Roma? "Ang weird, kasi parang siya 'yung kakambal ko – ako pinaglihi sa Arcanghel, siya 'yung pinaglihi sa Lucifer, parang dalawa ang pinaglihian ng mother ko, tapos ang lumabas ako lang," ang pagbalik-tanaw ni Nadine. "Eh lumabas na kuba ako, tapos pag may umaaway sa akin, lumalabas siya. "Pag nagiging kontrabida naman ako because of Impy, he pushes me, pag may white contact lens ako, ayun bad na ako nun! Pero mabait naman ako actually. Sinusulsulan [lang] niya ako na maging masama" At ano naman ang pakiramdam ni Nadine sa iba't ibang klaseng challenges na ibinibigay sa kanyang role sa Darna? "Happy! Kasi pa iba-iba 'yung roles, iba-iba 'yung nangyayari, 'yun naman ang gusto ko. Binabasa ko na kaagad sa script kung ano ang mangyayari," tugon niya. "Like ngayon inaalam ko na kaagad kung ano ang mangyayari sa akin." Dagdag pa ni Nadine na, "…may mga interesting twist kung anong mangyayari na hindi nila iisipin na mangyayari sa akin." Dahil din sa role niya dito, may isang kakaibang epekto na din si Nadine sa mga manonood na kanyang kinagigiliwan: "Actually pag umuuwi ako sa bahay sa Laguna, may mga bata sa labas ng bahay sumisigaw na "Impy, Impy!", sabi ko, "Grabeng Impy [na] 'yun ah, mas sikat pa sa akin!" Alamin pa kung anu-anong sikreto ang tinatago ni Roma sa kanyang katauhan, at makipag chikahan na din kay Nadine exclusively dito sa iGMA. Sa September 22, 2009, from 2:00pm to 4:00pm (Philippine Time) Nadine will be gracing our Live Chat for the very first time! For more details visit http://www.igma.tv/livechat/.
Pag-usapan si Nadine sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Nadine via Fanatxt! Text NADINE [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS NADINE and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.