Showbiz News

Ronnie Liang, isang frontliner sa Metro Manila enhanced community quarantine

By Cara Emmeline Garcia

“Call of duty.”

'Yan ang pahayag ni Ronnie Liang matapos siyang sumama bilang frontliner para i-assist ang ilang commuters at medical personnel sa Metro Manila.

Sa kanyang post, isinaad ng singer at actor na isang malaking karangalan para sa kanya ang makatulong sa kapwa lalo na sa panahon ng krisis dulot ng coronavirus disease o COVID-19.

Aniya, “I want to help and contribute, and be a part of the solution. 2LT Ronnie Liang (RES)

“Transporting stranded commuters and medical personnel in Metro Manila amid the community quarantine due to #COVID19.”

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Ronnie, “Good morning. We're on our way para sunduin ang mga doktor at nurses para ihatid sa mga ospital --- ang ating frontliners laban sa COVID-19.

“Gamit namin ang bus ng Philippine Army.”

#ParaSaBayan: Celebrities na reserved military officer

Sa isa niyang post, mala-Captain Ri ng hit Korean drama series na “Crash Landing on You” ang look ni Ronnie habang suot-suot ang kanyang Philppine Army uniform kaya naman nagbigay pa ito ng finger heart.

Noong Pebrero kinumpirma ng singer ang kanyang pag-enlist bilang isang reservist sa Philppine Army.

Nakamit niya ang titulong 2nd lieutenant pagkatapos niyang makumpleto ang Mechanized Infantry Operations Training (MIOT) course sa Armor “Pambato” Division (AD) noong February 14 sa Tarlac.

Kuwento ni Ronnie, naisip niyang maging isang reservist nang mabalitaan niya ang Marawi siege noong May 2017.

Aniya, “I said na gusto kong maging parte, siyempre, to serve the country, to help the community lalo na sa panahon ng pangangailangan.

“Remember the Marawi siege? 'Yun ang nagpagising sa akin na talagang kailangan natin magtulungan as a nation.”

Maliban sa pagiging isang reservist sa militar, isa ring ganap na piloto si Ronnie.

TINGNAN: Celebrities na lisensyadong piloto

Ronnie Liang, iiwan na ang showbiz para maging piloto?