Showbiz News

Anak ng unang Filpino COVID-19 casualty sa bansa, may mensahe sa mga apektado ng coronavirus

By Bianca Geli

Palaisipan pa rin kay Liza Paqueo, anak ni Nida Paqueo, kung paano at saan nakuha ng ina ang COVID-19 dahil hindi naman ito bumiyahe sa ibang lugar o bansa nitong mga nakaraang buwan.

Si Nida ang Patient 35 at ang unang Pilipino na nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas nitong March 11.

Biglaan at 'di inaasahan raw ang pagpanaw ng ina at labis itong dinamdam ng kanilang pamilya.

Nauna nang ibinahagi ni Liza sa kaniyang Facebook account ang malungkot na sinapit ng ina na namatay mag-isa. Dagdag dagok kay Liza ang sitwasyon ng kanyang ama na nag-positibo rin sa COVID-19. Bagamat stable ang kondisyon ng kanyang ama ay nag-iisa rin ito ngayon sa ospital.

Daughter of first Filipina COVID-19 casualty remembers late mother, clarifies death

Pahayag ni Liza sa 24 Oras nitong March 18, “We want to be with our father right now and hold a memorial for our mother. We are all in agreement that we have to be thinking logically in what's most responsible for the greatest good and I think our mother would feel the same way.”

Giit ni Liza, ang mga pasyente ng COVID-19 ay hindi lamang bastang numero lamang.

“A person is not a statistic,” ani ni Liza.

“They have feelings, they feel pain, they suffer, and this disease is brutal. We all have a social and moral responsibility to not just think about ourselves but to think about the greater good.”

Payo rin ni Liza na magpatingin agad kung nagkaroon ng sintomas ng COVID-19 o ng exposure sa isang pasyente. “If you've been exposed, then you need to isolate and report,” saad nito.

May mensahe rin si Liza sa mga pamilya at kamag-anak ng mga nadapuan ng COVID-19,

“You need to be a strong advocate for your health, and the health of your loved ones who are suffering, you have to know that you aren't alone in all this.”

Panoorin ang buong ulat ni JP Soriano sa 24 Oras: