advertisement
Showbiz News

12 Filipino celebrities na nag-star sa international movies

1 of 11

John Arcilla

Ang 'Encantadia' star na si John Arcilla ay napabilang sa hit action fim na 'The Bourne Legacy' noong 2012 bilang isang security guard ng pharmaceutical laboratory sa Manila. Naka-eksena niya dito ang lead Hollywood stars na sina Jeremy Renner at Rachel.

2 of 11

Andrea Torres and Mikael Daez

Lumaki ang following nina Kapuso stars Andrea Torres at Mikael Daez nang i-ere ang kanilang pinagbidahang serye na 'Sana Ikaw Na Nga' sa Cambodia. Nag-partner ang GMA Network at Cambodia Television Network para gawin ang 'Blood in Dispute' noong nakaraang taon kasama ang ilang Cambodian actors.

3 of 11

Jazz Ocampo

Tatampok sa isang Indonesian horror film na 'Sabtet' ang Kapuso teen actress na si Jazz Ocampo. Kasalukuyang nasa Jakarta ang dalaga para kunan ang kanyang mga eksena kasama ang ibang cast nito.

advertisement
4 of 11

Kris Aquino

Naging leading lady ni Raymond Wong ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa 1991 box office Hong Kong comedy film na 'Happy Ghost V.' Ipinalabas ito sa Pilipinas na may titulong 'Magic to Win 5.'

5 of 11

Kuh Ledesma and Bembol Roco

Nakasama ng veteran Filipino actors na sina Kuh Ledesma at Bembol Roco ang Hollywood A-lister na si Mel Gibson sa 1983 Australian romantic war drama film na 'The Year of Living Dangerously.'

6 of 11

Victor Neri

Nagkaroon ng role ang dating action star-turned-kitchen master na si Victor Neri sa 1999 American drama film na 'Brokedown Palace' kung saan tampok ang Hollywood stars na sina Claire Danes, Kate Beckinsale, at Paul Walker.

advertisement
7 of 11

Charice Pempengco

Ang pinakaunang ginawang pelikula ni International Singing Sensation na si Charice ay ang 'Here Comes the Boom' noong 2012 kasama sina Hollywood actors Kevin James, Henry Winkler, at Salma Hayek.

8 of 11

Anne Curtis

Isang bampira ang role ni Kapamilya sweetheart Anne Curtis sa independent American thriller romance film na 'Blood Ransom' na kinunan sa California noong 2012. Nakapareha niya sa pelikula ang German-born actor na si Alexander Dreymon at ito'y ipinalabas sa sinehan noong 2014.

9 of 11

Jericho Rosales

Pinaglaban naman sa Newport Beach Film Festival 2011 ang pinagbidahang American drama romance film na 'Subject: I Love You' ni Kapamilya hunk Jericho Rosales kasama ang leading lady na si Briana Evigan. Tampok rin sa pelikula sina Apl.de.Ap, Gary Valenciano, Tirso Cruz III, at Joel Torre.

advertisement
10 of 11

Joyce Jimenez

Supporting actress ang dating sexy star at “Pantasya ng Bayan” na si Joyce Jimenez sa 2001 novel-based thriller action movie na 'Harold Robbins' Body Parts.'