
Nauna nang nagpakita ng excitement sina Direk Mark Reyes at Gabbi Garcia online dahil muling mapapanood ang Encantadia (2016) sa GMA Telebabad ngayong Huwebes (March 19) ng gabi!
Gabbi Garcia, happy to see Alena once more as 'Encantadia (2016)' returns on TV
Direk Mark Reyes, hindi makapaniwala na muli niyang pino-promote ang requel ng 'Encantadia'
Nag-post din ang iba pang main cast members ng Encantadia (2016) na sina Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Ruru Madrid tungkol sa pagbabalik ng ground-breaking telefantasya sa telebisyon.
Silipin ang kanilang Instagram posts below:
"Yung hindi ka makalabas ng bahay kaya manonood ka nalang ng #Encantadia mamaya," ani Glaiza.
"Avisala! Batid kong magbabalik ang Encantadia! Ivo Live Encantadia," wika ni Sanya.
"Avisala mga Encantadiks! Muling nagbabalik sa telebabad ang mundo ng Encantadia! Mamaya na pagkatapos ng 24 Oras," saad ni Ruru.
Pati sina Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzalez, at Ana Feleo, nag-promote din ng re-run ng Encantadia (2016).
Muling balikan ang kuwento ng kaharian ng Encantadia, mamayang gabi na sa GMA Telebabad.