Showbiz News

A grand launch for GMA-7's Sine Novela

Simula September 28, mapapaaga na ang prime offerings ng GMA-7 with 'Kaya Kong Abutin ang Langit' at 'Tinik sa Dibdib.' Text by Jason John S. Lim. Photos by Mio de Castro. Sa pagtatapos ng Ngayon at Kailanman at Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, inihanda na ng GMA-7 ang dalawa sa pinaka nakaaantig na classic movies na siguradong magpapaluha na naman sa atin tuwing hapon: ang Kaya Kong Abutin ang Langit at ang Tinik sa Dibdib. Now entering its third year, tuloy-tuloy pa rin ang GMA-7 sa pagbibigay ng dekalidad na programa sa afternoon timeslot. "Sa pagbubukas ng bagong season ng Sine Novela, tinutupad po ng GMA ang kanilang pangako na makapgbibigay sila ng magagandang remakes sa hapon." Ito ang sinabi ni Iza Calzado during the grand press launch para sa dalawang bagong Dramarama series. Dagdag ni Sunshine Dizon, ang Kaya Kong Abutin ang Langit at Tinik sa Dibdib ay "isang pasasalamat sa mga loyal Dramarama audience na ginawa pong number one ang timeslot na ito noon pa man." Engrande ang press conference na inihanda para sa dalawang shows na prime offerings ang turing ng network. Iza shares to the press present at the press con, "alam niyo po, kami ni Sunshine, super excited namin." Aside from this being their first Sine Novelas, Iza says it's made more special by the fact that they're doing it at the same time, and back-to-back. She adds; "Personally, reprising the role that was made famous by Miss Maricel Soriano is a very challenging task. Pero alam ko po na sa tulong ng production and, of course, ng creative team, ay masisiyahan naman po kayo sa aking pag ganap bilang Clarissa Gardamonte sa Kaya Kong Abutin ang Langit." And Sunshine agrees with her colleague. "I also feel the same way," panimula niya. "It's such an honor to be playing another classic by Miss Nora Aunor." The actress says that she doesn't plan on competing with the original; "Wala na pong papalit kay Ate Guy, but I just hope and dream na sana, kahit konti po, ay mabigyan ko ng justice 'yung ginawa ni Ate Guy." Dagdag rin niya, "I'm sure na hindi ito mapababayaan ng napakagaling na creative team at production, para po siyempre [ay] masiyahan kayo sa Tinik sa Dibdib." Malaki naman ang pasasalamat ng GMA Network kina Iza at Sunshine sa kanilang pagtanggap sa kanilang bagong mga roles. This is according to GMA-7's SVP for Entertainment TV, Miss Wilma Galvante. "Matagal namin itong sinasabi kay Iza, kay Sunshine—pero tama rin naman na hindi pa nila ginawa [before], kasi ito 'yung dalawang projects na tamang-tama para sa kanila." Miss Wilma even went on to say that as far as casting goes, Iza and Sunshine are perfect choices para sa kanilang roles. Kaya huwag palampasin ang grand premiere ng dalawang Sine Novela series ngayong Lunes, ika-28 ng Setyembre, sa nangunguna at 'di natitinag na Dramarama sa Hapon block ng GMA-7. Pag-usapan ang mga bagong shows sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!