Showbiz News

Winwyn Marquez to netizen: 'Do I need to report kung ano na-donate ko?'

By Cara Emmeline Garcia

Hindi pinalampas ni Kapuso actress at beauty queen Winwyn Marquez ang isang netizen na nagsasabing wala siyang nagawa ngayong panahon ng krisis kundi mag-TikTok sa social media.

Winwyn Marquez

Ani ng netizen sa Twitter, “So as a Reina Hispanoamericana, what did you do to help our fellow Filipino citizens? Wala.

“Instead of doing TikTok videos or anything else, try to help. Just a reminder.”

Sagot ng beauty queen, “Wala? Do I need to report kung ano na-donate ko and i-post kung ano pa nabigay ko? Do you even know me personally na nakikita mo ginagawa namin pag 'di kami nagpo-post ng TikTok videos?

“Thanks for the reminder though, but sana 'wag tayong assuming and sana nakatulong ka din sa iba.”

Maraming fans ni Winwyn ang sumuporta sa desisyon nitong huwag i-post ang mga naiambag na tulong sa kapwa Pilipino ngunit may isang netizen na nagsabing ayaw niya munang makakita ng TikTok video sa kanyang social media feed.

Sambit ni Wyn, “I think I only have two or three on my IG feed…:)

“Don't download the app or uninstall the app if nakakahilo na for you. I understand na not all gusto ang TikTok.”

Winwyn Marquez responds to a netizen / wynmarquez (Twitter)

Isa si Winwyn sa lihim na nagdo-donate sa iba't ibang charity at organizations ngayong panahon ng enhanced community quarantine.

Sa kanyang Twitter din nagpahayag ang aktres ng kanyang opinyon tungkol sa mass testing para mas lalong matuklasan ang mga taong nagdadala ng coronavirus o COVID-19.

Winwyn Marquez shares her opinion on mass testing / wynmarquez (Twitter)

LOOK: Winwyn Marquez enrolls in basic citizen's military training

Winwyn Marquez graduates and receives Teacher's Certificate