Showbiz News

Naka-quarantine, posibleng makaranas ng cabin fever - psychologist

By Dianara Alegre

Ngayong nagkukulong sa kani-kanilang mga bahay ang publiko alinsunod sa ipinatupad na enhanced community quarantine ng gobyerno dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19), maaari umanong makaranas ang marami ng tinatawag na cabin fever, ayon sa eksperto.

Ang cabin fever ayon sa eksperto ay isang temporary disorder na nararanasan ng mga taong nakukulong sa loob ng isang lugar nang matagal na panahon.

Kaakibat ng naturang disorder ang pagiging bugnutin, pagkabalisa, at pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na lungkot.

“Actually ang mga tao sanay sa labas 'di ba? Tayo konting buga lang, labas na tayo. Iba kasi ang behavior nating mga Filipino, iba ang kultura natin kaysa mga banyaga nating mga kapatid,” pahayag ng psychologist na si Dr. Ali Gui.

Aniya, sanay ang mga dayuhan na manatili sa kanilang mga tahanan dahil sa snow, taliwas sa nakagawian ng mga Pinoy na laging lumalabas at gumagala tuwing may pagkakataon.

Nagbigay din ng mga aktibidad si Dr. Ali ng maaaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng disorder ngayong enhanced home quarantine.

Ilan sa mga ito ay pag-inom ng vitamins, magpaaraw, mag-ehersisyo, pag-aaral o pagbabasa, at pakikipag-usap sa kapwa, paglilimita sa pagkain ng carbohydrates at matatamis.

“Don't keep on eating and doing nothing because it will cause your blood sugar to be imbalanced and when your blood sugar is imbalanced, magiging iritable ka at makakalimutin,” sabi pa ni Dr. Ali.

At higit sa lahat, anuman ang paniniwala at relihiyon, palaging manalangin sa Panginoon.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras:

Related:

Michael V. persuades public to turn attention to old hobbies during home quarantine

Celebrities' precautionary measures against COVID-19