Showbiz News

KMJS: Kilalanin ang Pinoy frontliners kontra COVID-19

By Bianca Geli

Sa laban kontra COVID-19 sila ang nangunguna--ang ating mga frontliners na binubuo ng mga doctor, nurse, medical technologist, pulis, sundalo, security guard, cashier, janitor,atbp. na patuloy sa pagbibigay serbisyo para maging matiwasay ang buhay nating lahat.

Kinilala ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilan sa frontliners sa ating bansa.

Sila ang mga unang nakakaharap ng mga mamamayan at pati ng possible carriers ng kumakalat na COVID-19. Nakapanayam ng KMJS ang head nurse na si Patrick at ang kasamahan niyang nurse na si Jose mula sa Sta. Ana Hospital sa Maynila.

“Alive and kicking naman po. Medyo busy na po talaga kasi na-assign po kami sa hospital to accept COVID-19 patients so parang nangyari na po na Infectious Disease Hospital na po siya,” kuwento ni Patrick.

Dagdag ni Jose, “Medyo naging exclusive na po kami for COVID patients. Threatening pero wala, it's part of our profession.”

Anak ng unang COVID-19 casualty sa Pilipinas, nakapanayam ng 'KMJS'

Aniya, “Mahirap kasi hindi namin nakikita 'yung kalaban naming 'eh.”

Sa pinakahuling talaga ng KMJS, may apat na confirmed COVID-19 patients sa Sta. Ana Hospital at 12 naman ang persons under investigation o PUI.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng pag-aalaga sa isang COVID-19 patient sa ibang mga pasyente?

Sagot ni Patrick, “Nagkaiba lang po because kailangan po naming proteksyunan 'yung sarili namin with the PPEs at kailangan careful po ang kilos namin kasi maaring mai-transfer po namin sa inanimate object or sa environment 'yung mga secretion or 'yung virus.”

KMJS: Kababaihan ng tribong Palaw'an, bakit nagiging batang ina?

Kahit may banta sa kanilang kalusugan, hindi raw maiiwan nina Patrick at Jose ang kanilang trabaho. Si Jose, tinitiis na lamang munang hindi makasama ang pamilya nang hindi mahawaan itong ng sakit kung sakaling madapuan siya ng virus. “'Yung burden na makita mo 'yung family member mo na magkasakit because of you, parang 'yun ang hindi ko kayang tanggapin.”

Ayon kay Patrick, “Hindi ko po kaya kasi na wala akong gawin. Hindi ko po kayang iwanan 'yung mga nurses dito tapos ipa-prioritize ko lang 'yung sarili ko. One for all, all for one po kami.”

Panoorin:

Doctor dies from COVID-19; colleague shares doctor's dying wish for his son