GMA Logo
What's Hot

Ed Caluag, haharap sa kanyang bashers sa 'Ilaban Natin 'Yan'

By Racquel Quieta
Published March 24, 2020 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Makikipagharapan ang Kapuso Mo, Jessica Soho resident paranormal investigator na si Ed Caluag sa kanyang bashers ngayong Sabado sa 'Ilaban Natin 'Yan'. Alamin ang mga detalye DITO:

Nakilala ang paranormal investigator na si Ed Caluag sa kanyang appearances sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), kabilang na rito ang segments na "Bato-Bato Sa Langit," "Manila City Hall" (Gabi Ng Lagim VI), at "Palaka."

Mapanonood si Ed Caluag ngayong Sabado sa 'Ilaban Natin 'Yan'

Mapanonood si Ed Caluag ngayong Sabado sa 'Ilaban Natin 'Yan'

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay papuri ang inaani ni Ed. Matapos ang KMJS episode kung saan inimbestigahan niya ang sinasabing ghost ship ng Siquijor, kasabay ng kanyang pagiging viral sensation, ay nakatanggap din siya ng bashing.

Halimbawa ng mga bashing na natatanggap ni Ed Caluag

Kaya naman ngayong Sabado, haharap na si Ed sa mga namba-bash sa kanya, sa programa ni Vicky Morales na Ilaban Natin 'Yan.

Dudulog si Ed Caluag sa Ate ng Bayan na si Vicky Morales

Ilalahad ni Ed sa Ate ng Bayan na si Vicky ang kanyang mga saloobin ukol sa mga bashing na natatanggap niya.

Mayroon ding dramatization ng kanyang life story, kung saan malalaman ng mga manonood kung anu-ano ang mga naging trabaho ni Ed bago siya sumikat bilang paranormal investigator sa KMJS.

Si Buboy Villar bilang si Ed Caluag

Ang Kapuso actor na si Buboy Villar ang gaganap bilang si Ed sa dramatization ng Ilaban Natin 'Yan. Kasama rin sa cast sina Shayne Sava, Ella Cristofani, Dentrix Ponce at Athenah Madrid.

Haharap si Ed Caluag sa kanyang bashers sa 'Ilaban Natin

Magkasundo na kaya si Ed at ang kanyang bashers? O lalo lamang tumindi ang kanilang alitan? Abangan 'yan ngayong Sabado sa Ilaban Natin 'Yan, alas-kwatro ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.