Showbiz News

Ara Mina, sasagutin na ang tawag ng pulitika?

In one of the latest afternoon drama series in GMA, isa mga siguradong inabangan ay ang pagganap ni Ara Mina bilang si Trixie, ang madrastang may muhi sa kanyang kalooban. But she reveals may mga plano siyang maging isang bida sa tunay na buhay. Text by Erick Mataverde. Photos by Mio de Castro. Tampok na naman si Ara Mina bilang kontrabida sa Sine Novela na “Tinik Sa Dibdib.” Ito ay kasunod na kanyang natatanging pagganap bilang kontrabida din sa highest rating na Sine Novela, ang Dapat Ka Bang Mahalin?. "Effective daw ho ako sa Dapat Ka Bang Mahalin, 'tsaka mas challenging yung salbahe kasi in real life hindi naman ako salbahe. (laughs)," paliwanag niya sa amin after the grand press conference ng back-to-back Sine Novela na Tinik sa Dibdib at Kaya Kong Abutin ang Langit. Dagdag pa ni Ara na ang personal niyang buhay ay makulay na muli--in a good way, that is. At ang puno't dulo nito ay kanyang “special someone.” "I'm happy na tahimik 'yung love life ko. Non-showbiz po siya. Mga one year pa lang kami. He's very supportive. Sabi nga niya hindi biro magtrabaho sa showbiz…17 years na ako sa showbiz," pabunyag niya. "And proud naman siya sa akin dahil hardworking ako. Kaya lalo siyang sumisipag sa trabaho din." Pagpasok sa pulitika At dahil nagiging matunog ang pangalan ni Ara sa mga artistang tatakbo sa darating na eleksyon, kinumpirma din namin sa kanya ito. "May possibility. Kasi 'yun ang path ko. Family ko andun eh. Councilor lang po ng District Two (Quezon City)," tugon niya. "Magiging kalaban ko si Alfred (Vargas), but okay kami ni Alfred. Lima naman yung bakante[ng posisyon] if ever. This time I'm in the right age…I think this is the right time for me to run." Nang ibanggit ni Ara na mas maintriga pa ang buhay ng pulitika. Sinangayunan naman niya ito, at wika niya that prepared naman siya sa kahit anong ibato sa kanya. "Lahat naman ng intriga napagdaanan ko. Since nag-start ako napagdaanan ko na lahat ng klaseng intriga," sagot niya. "Mapa-pamilya, mapa-lovelife, and kung anu-anong ka-cheapan. Nang tanungin kung ano ang magiging reaction niya sa mga batikos na darating na wala naman siyang magagawa para sa bayan dahil artista lamang siya, she quickly retorted, "Bakit? Si Ate Vi(ilma Santos), si Isko Moreno--si Isko batang Tondo, Vice Mayor ngayon. Huwag nating sabihin na wala kang pinag aralan, high school graduate lang ako. Lahat ng bagay napapag-aralan, at kapag sinuwerte ka at naupo ka, puede mong pagsabayin ang pag-aaral at pulitika," she defends. "Tulad ng ginawa ni Ate Vi, tulad ng ginawa ni Isko." Kamakailan din, hindi naging ligtas ang pamilya ni Ara sa pinsalang dulot ng bagyong “Ondoy.” No less than her sister, Cristine Reyes, ang nagkaroon ng nakakatakot na karanasan nang malunod ang kanilang bahay sa baha. At isa si Ara sa mga nagpatibay ng loob ng dalaga nang tawagan siya at humingi ng saklolo. Matapos masagip sina Cristine at ang mga kaanak nito sa pahamak ng kaibigan niyang si Richard Gutierrez, it was Ara who sheltered them. "Hindi ko akalain, pag familiy maasahan mo. Thank you so much sa kanila at sa lahat ng tao na nagdasal para sa amin,” sabi ni Cristine in an interview. Pag-usapan si Ara sa mas pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here!