Showbiz News

Kapuso stars call for transparency amid COVID-19 threat

By Dianara Alegre

Kahit nalalagay sa panganib ay tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng mga doctor, nurse at iba pang medical frontliners para gamutin at pagalingin ang mga pasyenteng tinamaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Kaya ang hiling nila sa publiko, huwag maging pasaway at magsabi ng totoo.

Upang mapalakas ang kampanyang ito, nagpaabot na rin ng paalala ang ilang Kapuso stars ng mga dapat isaalang-alang lalo na ngayong patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19.

Unang-una rito ay ang pagsasabi ng totoo tungkol sa travel history at health status ng mga magpapakonsulta.

Kabilang sa mga Kapuso stars na humikayat sa publiko na manatiling totoo sa kanilang mga pahayag ay sina Descendants of the Sun stars Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado; Magkaagaw actresses Klea Pineda at Sheryl Cruz; Prima Donnas stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Aiko Melendez.

Dagdag pa ni Asia's Multimedia Star at Centerstage host Alden Richards, “Sana po kapit-kapit tayo, tulung-tulong po tayo para matalo po natin at masugpo natin ang COVID-19.”

Panoorin ang kanilang paalala laban sa COVID-19 sa buong ulat ng 24 Oras:

If you want to be part of GMA's efforts to help stop the spread of COVID-19, visit https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

Stay safe, mga Kapuso!