Showbiz News

Sunshine Dizon, kabado sa bagong drama series

Kabado si Sunshine Dizon sa kalalabasan ng kanyang pinakabagong project dito sa GMA, ang “Sine Novela Presents: Tinik sa Dibdib.” Isa na sa mga reasons kung bakit kinakabahan si Sunshine ay dahil isa na naman itong obra ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor. Text by Loretta G. Ramirez, photos courtesy of GMA Network Aminado si SunshineDizon na isa na namang napakalaking challenge ang pagganap sa kanyang character sa Sine Novela Presents: Tinik sa Dibdib. Portraying the role of Lorna na unang ginampanan ni Ms. Nora Aunor, inamin ng aktres na masaya siya at kinakabahan dahil napunta sa kanya ang much-coveted role na ito. "Ako honestly, every time I do a show, I never relied on my credentials. Every time I start a new project, parati akong kinakabahan, parati akong nagtatawag ng lahat ng kilala kong santo," ang kwento ni Sunshine ng makausap siya ng iGMA. Idinagdag pa niya na dahil isa na naman itong Nora Aunor classic, added pressure sa kanya ang magiging reaksyon ng mga avid fans ng Superstar. "Added pressure talaga, I mean hindi ko naman susubukan higitan o palitan [si Ms. Nora Aunor] because nobody can...Wala naman talagang makakapantay kay Ate Nora no? I am just really hoping na kahit konti sana man lang maabot ko din ‘yung kagalingan niya and I hope also na the people will also appreciate my own interpretation of the character. Sana din if ever may chance na mapanood ni Ate Nora, matuwa naman siya." But we tried to reassure her na nagustuhan ng mga Noranians ang kanyang interpretation ng Bakekang and that they are looking forward sa kanyang pagganap bilang Lorna sa Tinik sa Dibdib. "Thank you po talaga, I heard about it nga, but kasi hindi ko naman naririnig from their mouth, so hindi ko ma-confirm. But when I heard about it, I was really happy because when you get their approval, it's an honor also. That means to say na I gave justice naman siguro sa Bakekang. So, siguro that's something na rin to show the really avid and solid fans of Ate Guy, na kahit paano nabigyan ko naman ng justice 'yung role. And sana dito sa Tinik kasi mas mahirap ito, sana I can live up to their expectations again." Panoorin kung paano ginagampanan ni Sunshine Dizon ang role ni Ms. Nora Aunor sa Tinik sa Dibdib pagkapatapos ng Kaya Kong Abutin Ang Langit sa Dramarama sa Hapon ng GMA. At good news sa mga fans ni Sunshine! On October 13, 2009, from 2pm to 4 pm, makakausap ninyo siya ng live via iGMA Live Chat! Keep logging on to iGMA.tv for more about this exclusive event. Pag-usapan ang Tinik sa Dibdib sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Kamustahin si Sunshine via Fanatxt! Text SUNSHINE ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS SUNSHINE ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.