Showbiz News

Ang madilim na lihim ni Michelle Madrigal

Noong isang linggo nakilala na na natin si Corazon sa 'Sine Novelang Tinik Sa Dibdib'. Mas kilala sa pangalang Moret, ang babaeng may hiwagang tinatago; inamin ni Michelle Madrigal, the actress portraying this role, na kakaibang hamon ito para sa kanya. Text by Erick Mataverde. Photo courtesy of GMA Network. "Actually, first time ko mag Sine Novela. I am excited kasi first time ko lang makakatrabaho ‘yung group nila Ms. Camille (Gomba-Montaño, the Executive Producer)," Michelle Madrigal told iGMA. "Sabi nila mas less pagod daw pagka pang-hapon ‘yung show mo. Pero siyempre first time ko rin makakatrabaho sila Marvin Agustin, Sunshine Dizon at si Ara Mina, ‘yun ‘yung exciting." Itong panibagong role ni Michelle can be considered as a big break para sa kanya, at hindi naman ito lingid sa dalaga. She reveals na pinaghandaan niya ito ng lubusan. "Nagwo-workshop ako, dance and acting with Tito Leo Martinez for Royal Era Talents, so kahit papaano nakapag prepare ako kung ano man ‘yung role na gagampanan ko," disclosed Michelle. "Mas mabilis na kami mag-motivate, like kunwari nahihirapan ka, alam mo na kung ano yung huhugutin." Anong challenge ba ni Michelle dito sa role niya? "Api ako dito ni Ms. Ara Mina. Role ko is Moret, sa side ng family ni Marvin. Ako yung nakakaalam ng isang lihim. Kung napanood nila ‘yung [original] Tinik Sa Dibdib, ginaganap ko yung role ni Ms. Dina Bonnevie," tugon niya. Dagdag pa ni Michelle, "Which is grabe – may award as best supporting actress si Miss D [for that role]. Pero, siyempre hindi ko lang puwede gayahin lang ‘yung acting na ginawa niya dun. Kailangan, this time, sa generation ko, makilala naman nila kung papaano ko pinortray si Moret." Pinaliwanag din niya ang istorya sa likod ng pag-bansag sa karakter niyang 'Moret', which is loosely another term sa salitang 'lukaret'. "Ang tawag sa kanya ay Moret because ang tingin ng mga tao nasiraan siya ng bait, but then, hindi siya ganun," she explained. "Dahil na trauma lang siya, ayaw na niyang magsalita dahil nga inaapi siya ni Ara. "So kahit wala akong masyadong lines [dito]. [Pero] siyempre hindi naman dahil wala kang lines, wala nang kwenta na akting mo 'di ba? So kailangan kong bigyan buhay – mas mahirap 'yun na walang kang linya at magreregister sa TV." In conclusion, Michelle compares her role sa kanyang huling ginampanan na character sa Zorro. "Kung sa Zorro, ako ‘yung lumalaban, ngayon iyakan naman ito to the next level," concluded Michelle "Grabeng motivation ang ginagawa ko dito. Sana magustuhan nila ang story talaga." Huwag kaligtaang sumubaybay sa istorya ng Tinik Sa Dibdib, pagkatapos ng Kaya Kong Abutin Ang Langit sa Dramarama sa Hapon! Pag-usapan si Moret sa mas pinagandang iGMAForums! Not yet a member? Register here!