Showbiz News

Vaness del Moral matures with 'Ikaw Sana'

Kung kulang pa ang kilig scenes ng mga bida na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa “Ikaw Sana,” may isa pang love team na siguradong papatibukin rin ang mga puso ninyo. Text by Jason John S. Lim; with Interviews by Erick P. Mataverde. Photos by Mio de Castro. Right after StarStruck: the Nationwide Invasion, naka-ilang shows rin sina Vaness del Moral at Vivo Ouano bilang magka-love team. "From POSH to Love to Love," paalala sa amin ni Vaness. Sa kuwento ni Vaness, hindi nga raw niya alam na may balak palang pagtambalin silang muli ni Vivo sa Ikaw Sana. Nagulat na lang daw ang dalaga nang makita si Vivo sa story conference ng kanyang current show. "Nung nag-story con, nakalagay doon na magkakagusto daw 'yung character ko kay 'Bobby'," Vaness shares with us. "Sabi ko, ''yung Bobby, si Vivo iyan.' Tapos yun, tama nga ako. Si Vivo nga si Bobby." Natatawang dagdag ni Vaness, "May ka-love team na ako ulit!" Aminado ang dalaga na hindi pa niya alam ang itatakbo ng kuwento ng character niyang si Lucia, or kung paano mabubuo ang love story nila ni Vivo. What she does know is "pinsan ko si Jennylyn, tapos pareho kami[ng] sa probinsya nakatira." So far, ito pa lang ang alam ni Vaness bukod sa "lola ko ulit si Lola Ising [Luz Valdez]." After playing the kikay Racquel sa Adik sa 'Yo, Vaness says na may pagka-breath of fresh air si Lucia. "Kikay [siya], pero hindi maarte." And definitely, hindi Batanguena si Lucia. "[Galing] Baguio daw," biro ni Vaness. A little more mature than her previous roles, Vaness tells us na nagshe-share na rin siya sa production team ng thoughts niya para sa character niya. "Tinanong ko si Miss H[elen Rose Sese, executive producer] kung puwede ako magsalamin doon sa character ko para medyo maiba naman," kuwento ni Vaness sa amin. "Nung una pumayag siya, kaya lang wala kaming mahanap na salamin." In the end nga lang daw, napagdesisyunan rin na hindi na magsasalamin si Lucia. Vaness shares that they realized, "pag tinatakpan ng salamin 'yung mata, nawawala 'yung emotions. Hindi nakikita masyado."
And in the end, Vaness knows na mas importante pa rin na magawa niya ng tama ang pagganap as role niya, kesa sa pag-iba ng itsura niya. Kaya naman Vaness is not just maturing in her roles, she's also maturing as an actress. Continue to fall in love with Ikaw Sana every weekday afternoon, before 24 Oras. And catch Vaness this Saturday, October 10, sa SM Pampanga with Rhian Ramos and her Audista partner Dominic Roco! Pag-usapan ang Ikaw Sana sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! And get the latest from Vaness through Fanatxt! Just text VANESS(space)ON and send to 4627 sa kahit anong telco, para lagi kang updated sa kanila. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)