Showbiz News

Rufa Mae: 'This year is everything for me.'

Ibang level ang pag-career ni Rufa Mae Quinto sa kanyang acting career! We're now in the last quarter of 2008, pero sunud-sunod pa ang projects ni P-Chi which will culminate sa isang movie for the Metro Manila Film Festival this December! Bongga, di ba? Text by Jason John S. Lim. Photo provided by GMA Network. "I'm back!" Iyan ang sambit sa amin ni Rufa Mae Quinto sa pictorial ng kanyang mini-series Moshi, Moshi, I Love You na magsisimula nang ipalabas sa October 15 through the SRO anthology. "Anak [ako] ng labandera na trying hard, na fan ng mga teleserye--ganyan." Rufa Mae shares na mai-in love siya sa isang Japanese actor who will be played by Brazilian-Japanese hunk Akihiro Sato. "Gustong gusto ko [siya]. Basta, pangarap kong ibigin siya." At dahil siya ang kauna-unahang magiging leading lady ni Akihiro sa isang television series, the sexy comedienne is very excited. Back in Darna Bukod sa Moshi, Moshi, I Love You, Rufa Mae is also back in Darna as the ditzy but lovable Francesca. Pero bakit nga ba nawala ang character niya? "Kasi nagshu-shoot ako ng movie, Wapakman, tapos nagkaroon ako ng mga concerts sa mga provinces,[mga] corporate shows. in short, [dahil] sa schedule," Rufa Mae explains. “Kasi medyo, 'di ba, puyatan doon? Hindi kinaya ng katawan ko." Pero now that she's back, she promises more laughs coming from her character para mabalanse naman sa drama na nangyayari sa kambal na pagkatao nina Darna at Narda. "Bumalik na ako sa publication," kuwento ni Rufa Mae. She tries to win her job back bilang secretary ni Crisanto (Raymart Santiago). At hindi naman daw sa binabawi niya ang trabaho niya from Maureen Larrazabal's character, "binabawi ko [lang] 'yung table ko." Masaya naman si Rufa Mae sa pagkakasama ng Bubble Gang co-star niya sa Darna. "Mas maganda ngayon kasi mas marami kami nandoon na komedyante," she notes. "Mas naging maganda 'yung character ni Francesca kasi may conflict," Rufa Mae explains, adding na hindi lang basta comic relief si Francesca ngayon--may sarili na rin siyang mga problemang haharapin. "Naging mas challenging para sa akin 'yung pagbabalik ko.”
Sa mga nagtatanong kung mabubuko ba ni Darna na nagpapanggap ni Francesca bilang siya, Rufa Mae says "Ating abangan!" In the meantime, magiging busy na naman ulit si Rufa Mae dahil magtutungo siya ng Japan with her Bubble Gang co-stars. "For the 14th year anniversary," Rufa Mae reveals to us. "Winter-winter ang drama namin sa initan." May iba pang binunyag sa amin si Rufa Mae na mga surprises tungkol sa anniversary special ng long-running gag show, pero we'll leave that for you to find out when GMA-7 starts airing the anniversary episodes. With the funny actress busy with so many things, tinanong namin kung may balak pa ba siyang magdagdag ng projects. Ang sagot niya? "For this year, ‘yun na muna. Siyempre, 'di ba? Patapos na naman 'yung taon. I think overloaded na nga e. Lahat na--everything. This year is everything for me." Abangan na lang daw natin kung ano naman ang gagawin niya next year. Moshi, Moshi, I Love You begins its four-episode run this Thursday, October 15 on SRO Cinemaserye pagkatapos ng Shining Inheritance. Darna airs every night on GMA Telebabad, and Bubble Gang airs every Friday night, pagkatapos ng Survivor Philippines: Palau. Rufa Mae also appears in SOP and Showbiz Central every Sunday. Pag-usapan ang shows ni Rufa Mae sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!