advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Meet the cast of 'Meant to Be'

1 of 17

Barbie and the four boys

Si Barbie at ang kanyang apat na nag-guguwapuhang leading men.

2 of 17

Barbie Forteza bilang Billie

Maingat sa pag-ibig pero apat ang ma-iinlove sa kanya. Sino kaya ang kanyang pipiliin sa huli?

3 of 17

Jak Roberto bilang Mark "Macoy" Dela Cruz

Ang tanging 100% Pinoy sa apat, promdi, hindi mayaman, at takot din manligaw. Sa sobrang torpe ni Macoy, masabi pa kaya niya ang nararamdaman niya para kay Billie?

advertisement
4 of 17

Ken Chan bilang Yuan Lee

Half Chinese si Yuan, at may business ang kanyang pamilya. May pagka-bad boy at hindi agad agad napapalagay ang loob niya sa mga taong recent lang niya nakilala. Ngunit kahit rebelde ang imahe ni Yuan ay mahilig din itong magbasa at hobby niya ang surfing, hiking, and mountain biking.

5 of 17

Ivan Dorschner bilang Ethan

Outside ay tila ideal type ng lahat si Ethan, pero inside ay maraming itong itinatago. Romantic, responsible, at parang kuya rin ang dating ng binata.

6 of 17

Addy Raj bilang Jai

Very playful si Jai at wala masyadong sineseryoso, lalo na 'pag usapang pag-ibig. Motto niya ay 'pleasure over responsibility.' Part-time model si Jai at may car exporting company sa Mumbai.

advertisement
7 of 17

Manilyn Reynes bilang Amelia

Si Amelia ay ang nanay ni Billie. Nagkalamat ang kanyang relationship with her best friend na si Beatriz dahil pareho silang nagkagusto sa iisang lalaki na siyang naging asawa ni Amelia, si Winston.

8 of 17

Sheryl Cruz bilang Beatriz

Si Beatriz ay ang mommy ni Ethan at Toti. Unang nagkagusto sa kanya si Winston pero iba ang priority ni Beatriz.

9 of 17

Tina Paner bilang Lucy

Si Lucy ay kapatid ni Amelia. May singing trio sila ni Amelia at Beatriz nung kabataan nila.

advertisement
10 of 17

Keempee De Leon bilang Winston

Ang ama ni Billie at Toti, sino kaya ang totoong minamahal ni Winston, si Amelia o si Beatriz?

11 of 17

Sef Cadayona bilang Bats

Nickanmed 'Bats' dahil ubod ng batugan. Kuya siya ni Billie, unemployed man ay maaasahan naman sa gawaing bahay kahit papano.

12 of 17

Gloria Romero bilang Lola Madj

Ang cool na lola sa condo na tinitirahan nila Macoy, Yuan, Ethan, at Jai - si Lola Madj. Maraming alam tungkol sa pag-ibig, masungit pero may malambot ding puso. At higit sa lahat, marami ring alam na millennial terms si Lola Madj.

advertisement
13 of 17

Stephanie Sol bilang Cacai

Crush niya si Bats pero hindi siya napapansin nito dati dahil medyo chubby siya nung kabataan niya. Ngayong sexy na si Cacai, si Bats naman ang maghahabol sa kanya.

14 of 17

Zymic Jaranilla bilang Toti

Ang half-brother ni Billie at Ethan. Matatangap kaya ni Billie na may half-brother pala siya?

15 of 17

Mika dela Cruz bilang Mariko

Prim, proper, at may pagkamahiyain. Pinsan at best friend ni Billie. Unang magkakagusto si Mariko kay Jai, pero nang mapansin niyang may pagtingin si Jai kay Billie ay magsisimulang magkalamat ang relasyon ng dalawa.

advertisement
16 of 17

Meant to Be

Abangan ang Meant to Be sa GMA Telebabad ngayong January 2017!