Showbiz News

Jana Roxas, first time kontrabida

Mula sa pagiging bulag sa 'Dapat Ka Bang Mahalin?', vindictive naman ang role ni Jana Roxas ngayon sa 'Ikaw Sana', ang latest original offering ng GMA sa Telebabad block. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mio de Castro. "Parang tanga lang ako doon na walang alam at ni-rape," laughs Jana Roxas, remembering her role sa very successful Sine Novela, Dapat Ka bang Mahalin?. She explains, "bulag ako doon e. So dito, babawi ako." In Ikaw Sana, Jana plays the best friend of Pauleen Luna. "Ako si Charlene," she says as introduction. "Isa akong sosyal na friend ni Sofia (Pauleen Luna). Siyempre magiging kontrabida, kasi si Pauleen, kontrabida." And this time, walang involvement sa boys ang character niya. "As of now," she tells us. Sa mga nagtatanong kung saan napunta si Jana after the success of Dapat Ka Bang Mahalin?, the actress says naglie low lang siya habang nagpapapayat. "Kasi lumaki ako," she explains. "Pinaghandaan ko [ang next project ko], and sobrang thankful naman ako at nakasama ako sa cast [ng Ikaw Sana]." Kuwento nga ni Jana, "first time ko maging kontrabida!" At ready na daw siya sa lahat ng challenges na kasama nito. "Kung sino ang kaaway ng best friend ko dito, magiging kaaway ko rin!" Matapang niyang sambit. Masaya rin si Jana na for her first time as a kontrabida, she's with friends. Though, "si Pauleen, first time kong makakatrabaho," she reveals to us. The rest of the cast naman, kapatid na ang turing ni Jana, bilang karamihan sa kanila ay nanggaling sa reality artista search na StarStruck. And now that she's in Ikaw Sana, Jana wants to thank her fans na lagi pa ring nakasuporta sa lahat ng ginagawa niya: "Salamat sa lagi kayong nandyan para sa akin, kahit medyo nawawala ako minsan. Pero siguro sana ngayon patuloy na 'to. Start na 'to ulit. Thank you." Ang Ikaw Sana ay parte ng pina-agang GMA Telebabad, airing after Hole in the Wall. Pag-usapan si Jana sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!