Showbiz News

'Moshi, Moshi, I Love You'

Simula October 15, “SRO Cinemaserye” gives us another heartwarming and extraordinarily hilarious story of a woman who will do anything to win the heart of her dream boy. Pairing sexy comedienne Rufa Mae Quinto and Brazilian-Japanese hunk Akihiro Sato, ang nakakaaliw na story ng "Moshi, Moshi, I Love You" will surely make you laugh. Text by Loretta G. Ramirez. With interviews by Jason Lim and Connie Tungul. Photo courtesy of GMA Network. Expect funnier Thursday nights as SRO Cinemaserye features actress/comedienne Rufa Mae Quinto in a romantic-comedy story ng Moshi, Moshi, I Love You. Opposite Rufa Mae is showbiz newcomer Akihiro Sato na sobrang excited na makatrabaho ang komedyante sa kanyang first acting project sa TV. "Of course [I'm excited]. She is a pretty actress. I've watched her movies when I was trying to learn Tagalog. It is really a privilege to work with her, " pahayag ni Akihiro during the pictorial of the show. Akihiro is portraying a Japanese actor who visits the Philippines to promote his Asian telenovela, Tokyo With Love. Isa namang diehard fan niya si Rufa Mae, who plays the role of Perseveranda, na gagawin ang lahat para lamang makilala ng personal ang kanyang idol at dream boy na si Akihiro. Panoorin ang mga gimik na gagawin ni Perseveranda to win Akihiro's heart at syempre pa, abangan din ang mga nakakakilig na scenes ng dalawa, dahil bukod sa mga kissing scenes may shower scene pa sila! "Noong mabasa ko nga ang script, parang, 'Uy kailangan pa ba ng shower scene?' Parang nag-inarte pa raw ako bigla! (chuckles) Parang hindi bagay na tumanggi ako, di ba? Kasi nga parang bigla akong nahiya kay Akihiro. First scene nga na kinunan sa amin, may kiss na agad. Parang hindi pa nga ako handa, e, pero professional ako kaya go lang nang go!" ang nakakatuwang kwento ni Rufa Mae sa amin. Patikim pa lang 'yan sa mga exciting at nakakatuwang mga eksena na dapat abangan sa Moshi, Moshi, I Love You. Mapapanood na ito simula October 15, after Shining Inheritance sa GMA Telebabad. Pag-usapan ang bagong show ni Rufa Mae at Akihiro sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Fan ka ba ni Akihiro? Then good news dahil Akihiro Sato & JC Tiuseco will hold their first Grand Fans Day on October 22, 2009 (Thursday), 6pm at Entertainment Plaza of SM City North Edsa. Kaya mark your calendars at suportahan ang dalawang Kapuso hunks na ito!