Showbiz News

Vico Sotto warns public of fake accounts; pokes fun at profile photo

By Cara Emmeline Garcia

Maliban sa bashers, wala rin time si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga umiikot na fake accounts sa social media.

Para balaan ang kanyang followers, minabuti ni Vico na paalalahanan sila na maging aware sa mga ito.

Aniya, “Don't forget that there are a lot of fake accounts, fake quotes, fake anything-you-can-think-of… Hassle to deal with this on top of a health crisis… 'Di siguro maiwasan sa panahon ngayon lalo na't maraming bored.

“Basta 'yung totoong account ko verified at pangit 'yung profile pic.”

Kaya naman ang “Vivicos,” ang running fan club ni Vico Sotto, panay ang pagbibigay ng suggestions sa incumbent Pasig City Mayor ng puwedeng pamalit sa current profile photo nito.

Kamakailan, trending si Vico Sotto dahil sa kumakalat na video niya online sa kantang “Psycho” ng Korean girl group na Red Velvet.

Maliban diyan, trending din ang yearbook quote ni Vico noong nag-aaral pa lamang siya sa Ateneo de Manila University.

Netizens ship Isabelle de Leon and Pasig City Mayor Vico Sotto

LOOK: Vico Sotto tweets and memes na kumakalat online