Showbiz News

Be wacky, wild and world-class

Humanda nang ipakita ang iyong talento at hangaan ang iba pang mga Pinoy na may kakaibang galing sa “Bitoy's Showwwtime.” Text by Loretta G. Ramirez, Photo by Mitch S. Mauricio Starting today, mapapanood natin ang pinaka bagong show ni Michael V. a.k.a. Bitoy, na tiyak na kagigiliwan at hahangaan ng mga viewers local man or international—ang Bitoy's Showwwtime "Nakita nyo 'yung teaser kanina, mapapangiwi talaga kayo! Kakaibang husay ang ipinapakita ng mga 'to. Pati ako mismo ng pinapanood ko, hindi ko akalaing may mga ganung tao pala, na nakakagawa ng ganung klaseng bagay," ang kwento ni Bitoy sa media after the press launch last October 13. Pero totoo bang nalungkot siya sa pagkawala ng kanyang top-rating show, ang Bitoy's Funniest Videos? "Hindi ako nalungkot sa pagkawala ng Bitoy's Funniest Videos (BFV). Ako pa nga 'yung pursigido na 'halika na gumawa tayo ng bago.' Noong tinitingnan ko noon, parang two years lang ang life span ng BFV [pero] umabot na ng five years! Sobrang blessed na ng show. It is time to do another thing, something else." Idinagdag pa niya na "kailangang mag-evolve ka, hindi pwdeng iyon na lang ng iyon ang ginagawa mo. Kapag inabutan ka ng sawa ng tao, mahirap na." Kaya naman siguro very proud siya sa Bitoy's Showwwtime dahil meron itong kakaibang mga segments na tiyak namang magpapakita ng wacky, wild at world-class Pinoys all over the world. "Basta may dugong Pinoy, may kamag-anak na Pinoy, pwede na. Nahihirapan kasi kami kapag walang Pinoy na involved kasi minsan hindi naman sila naga-allow na gamitin namin ang videos nila," ang paliwanag ng three-time Asian TV Awards winner. Sa pagtatapos ng press interview sinigurado ni Bitoy na mage-enjoy ang mga manonood sa pilot episode ng show kung saan mamimigay sila ng P300,000 at iba pang mga prizes. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Sumali at manood ng Bitoy's Showwwtime starting today October 17, right after Celebrity Duets dito lamang sa GMA.
Kaya mamili na sa four segments ng Bitoy's Showwwtime at sumali sa: 1. Talbugan: Live na live na showdown ng wacky o weird na talent. 2. Videokariran: Ito naman ang labanan ng mga international videos na in-upload sa www.bitoystv.com. Pwedeng performance na traditional (kanta, sayaw, magic act, etc.), pwedeng act na sensational (kumakain ng bubog, apoy, etc.). 3. Facemuk (sponsored by Canon): Pakapalan ito ng mukha! Puwedeng mag-upload sa www.bitoystv.com ang sinumang Pinoy around the world ng funny, produced skits or videos, upang manalo ng isang Canon video camera! 4. Gaya Mo ‘Yun?: Para sa mga kababayan natin na mahilig kumanta at sumayaw sa usong kanta, for example “Nobody” by the Wonder Girls. Lilibutin ng Bitoy’s Showwwtime ang Metro Manila para kunan ng video ang iba’t ibang grupo, magkakabarkada o magkakatrabaho habang kumakanta at ginagaya ang original version ng kanta. (The auditions para sa Talbugan are being held nationwide. Schedules of the regional auditions are announced on TV and radio. The website of Bitoy’s SHOwwwTIME - www.bitoystv.com - is powered by the international video sharing website YouTube, which partnered with GMA Network to be one of its premium channels for the uploading of videos. This partnership with YouTube makes the show truly world-class and original that caters to millions of Filipinos worldwide.) Panoorin ang ilan sa mga submitted videos here. Pag-usapan ang Bitoy's Showwwtime sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! At alamin ang latest tungkol kay Michael V. through his Fanatxt service. Just text MICHAELV (space) ON and send to 4627 for Globe subscribers.. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)